EDITORYAL Alam ba ng MILF ang kapayapaan?
April 3, 2003 | 12:00am
LAGI nang sinasabi ng tagapagsalita ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na handa silang makipag-usap sa pamahalaan para sa kapayapaan. Hindi ilang beses sinabi ni MILF spokesperson Eid Kabalu, na naghahanap sila ng kapayapaan. Subalit hindi makita ang kaseryosohan ng paghahanap nila sa kapayapaan sapagkat walang patlang ang kanilang pagsalakay. Ang hinahanap na kapayapaan na makakamit lamang sa pormal na pag-uusap ay hindi nagkaroon ng puwang. Maraming buhay na ang nalagas dahil sa walang patid na paglalabanan. Marami na rin ang napinsalang ari-arian.
Isang araw bago ang nakatakdang peace talk ng gobyerno at MILF, sinalakay ng may 50 guerilla sa dalawang barangay sa Midsayap, North Cotabato at anim na katao ang kanilang hinostage roon. Bago tumakas, sinunog ng mge rebelde ang 14 na bahay at ang kapilya. Noong Martes ay nakatakdang mag-usap ang mga kinatawan ng gobyerno at MILF upang wakasan na ang paglalabanan. Ang announcement ay isinagawa sa Kuala Lumpur, Malaysian. Ang Malaysian government ang nag-brokered sa peace talk. Ilang ulit nang naipagpaliban ang peace talk at noong Martes nga sana magkakaroon ng katuparan, ngunit hindi na naman natuloy dahil sa pananalakay ng mga MILF rebels. Kung magkakaroon nang magandang resulta ang peace talk, nakalaan ang developmental package na $114 million.
Lagi nang sinasabi ng mga rebelde na nais nila ng kapayapaan subalit bakit ang pag-agos pa rin ng dugo ang namamayani. Bakit patuloy ang kanilang pananalakay? Isang dahilan kaya rito ay hindi na kontrolado ng MILF leaders ang kanilang mga miyembro. O sadyang gusto nila na magkaroon na nang grabeng kaguluhan at masira na ang bansa?
Kamakalawa, sinalakay ng mga rebelde ang Engineering Support Battalion ng Philippine Army sa Matnog, Maguindanao. Apat na katao ang napatay samantalang 13 ang sugatan. Ang sinalakay ay ang batalyong gumagawa ng mga kalsada sa nasabing lugar. Wala silang mga armas at pawang gamit sa paggawa ng kalsada at tulay ang kanilang dala. Sinabi naman ni MILF vice chairman Al Haj Murad, na nilusob nila ang Engineering battalion sapagkat sundalo rin ang mga iyon.
Sa nangyayari, tila wala nang kontrol ang mga MILF leaders at kung anu-anong faction na ang sumusulpot para paralisahin ang pag-uusap sa kapayapaan. Patuloy ang pagsalakay at malayo sa sinabi ni Kabalu na hangad din naman nila ang kapayapaan. Alam nga kaya nila ang tunay na kahulugan ng kapayapaan?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest