Saklolong hinihingi ng isang OFW mula sa Saudi!
March 31, 2003 | 12:00am
WALA kaming pinipili at hindi kami namimili. Kahit saang lupalop pa ng mundo, bastat naaabot ng kolum na ito, nakahanda kaming tumulong.
Inilalagay namin ang aming sarili sa kalagayan ng biktima, pinagdurusahan ang isang kasalanan na hindi niya naman kagagawan.
Ang masakit dito, inoobliga itong pobreng biktimang si Redanny Monserate ng kaniyang amo na bayaran ang mga "nanakaw" na "spare parts". Ang mga ito ay nagkakahalaga ng 6,000 Riyals o mahigit sa P100,000.
Tatlong buwan na siyang nagtatrabaho na walang tinatanggap na sahod. Walang naipadadalang pera sa kaniyang pamilya na naghihirap na rin ngayon dito sa Pinas.
Lumalabas, daig pa ni Redanny ang isang alipin. Nagtatrabaho ng labag sa kanyang kalooban. Bubunuin niya ang kalbaryong ito sa loob ng isang taon, bilang kabayaran.
Sa panig naman nitong "maantot" na hayupak na Arabong amo ni Redanny, sinisiguro niyang mapanatili ang kalusugan ni Redanny. Kaya LIBRE ang pagkain, walang bayad.
Walang pakialam ang pindehong ito kung sino yung nagnakaw. Hindi pinakinggan si Redanny. Ang mahalaga ay may nagbabayad sa mga nawalang piyesa.
Uulitin namin, LIBRE ang pagkain. Para tuluy-tuloy ang trabaho ng pobre at huwag magkaroon ng anumang problema sa kalusugan si Redanny.
Hindi na matiis ng pobre ang kaniyang paghihirap kayat idinulog na niya sa Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO ang kanyang reklamo, sa pamamagitan ng e-mail.
Samantala, itong angkan ni hestas at barabas na kawatan, si Romel Gamad na siyang itinuturo ng biktima na nagnakaw ng mga spare parts ay nasa Floridablanca, Pampanga na raw. Nagpapasarap at "nagpapalaki" ng kanyang "bahala na kayong mag-isip", mga kababayan.
Akala siguro nitong si Gamad ganoon lang kadali. Kung mababasa niya man ang kolum na ito. Ngayon pa lang ay sinasabi na namin, kami ang iyong magiging "KARMA". Humanda ka!
Nakatutok kami ngayon sa reklamong ito. Kaya pinapayuhan ka namin Redanny, bumisita ka agad sa OWWA. Pormal kang mag-reklamo sa nabanggit na tanggapan diyan sa embahada natin sa Saudi Arabia. Ikuwento mo ang lahat.
Kung magagawa mo, padalhan mo kami ng isang e-mail pa ng iyong reklamo para sa OWWA natin dito sa Pilipinas (i-care of mo sa amin). Kami na ang pormal na magdadala ng iyong reklamo sa OWWA natin dito, pati na rin sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Pasok ka na sa files ng Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO. Kung maaari lamang ay gupitin mo ang kolum na ito at ipabasa mo kahit kanino diyan sa embahada natin. Huwag ka lang sana nilang babalewalain, dahil itinuturing namin itong isang uri ng paghamon.
Kaya sa mga opisyales ng embahada at ng OWWA diyan sa Saudi Arabia, subukan ninyong magbingi-bingihan at magbulag-bulagan, tutuluyan namin kayo! Kapag ito ang makakarating sa amin, sa pamamagitan ni Redanny.
Abangan, may karugtong!
Para sa mga tips, reklamot sumbong, tumawag o magtext sa mga numerong ito: (0918)9346417 at telepono 9325310/9328919. Magbasa ng diyaryong PM (Pang-Masa) tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. Makinig sa DZME 1530 kHZ, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. Panoorin ang "BITAG" tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon, ABC-5.
E-mail us: [email protected]
Inilalagay namin ang aming sarili sa kalagayan ng biktima, pinagdurusahan ang isang kasalanan na hindi niya naman kagagawan.
Ang masakit dito, inoobliga itong pobreng biktimang si Redanny Monserate ng kaniyang amo na bayaran ang mga "nanakaw" na "spare parts". Ang mga ito ay nagkakahalaga ng 6,000 Riyals o mahigit sa P100,000.
Tatlong buwan na siyang nagtatrabaho na walang tinatanggap na sahod. Walang naipadadalang pera sa kaniyang pamilya na naghihirap na rin ngayon dito sa Pinas.
Lumalabas, daig pa ni Redanny ang isang alipin. Nagtatrabaho ng labag sa kanyang kalooban. Bubunuin niya ang kalbaryong ito sa loob ng isang taon, bilang kabayaran.
Sa panig naman nitong "maantot" na hayupak na Arabong amo ni Redanny, sinisiguro niyang mapanatili ang kalusugan ni Redanny. Kaya LIBRE ang pagkain, walang bayad.
Walang pakialam ang pindehong ito kung sino yung nagnakaw. Hindi pinakinggan si Redanny. Ang mahalaga ay may nagbabayad sa mga nawalang piyesa.
Uulitin namin, LIBRE ang pagkain. Para tuluy-tuloy ang trabaho ng pobre at huwag magkaroon ng anumang problema sa kalusugan si Redanny.
Hindi na matiis ng pobre ang kaniyang paghihirap kayat idinulog na niya sa Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO ang kanyang reklamo, sa pamamagitan ng e-mail.
Samantala, itong angkan ni hestas at barabas na kawatan, si Romel Gamad na siyang itinuturo ng biktima na nagnakaw ng mga spare parts ay nasa Floridablanca, Pampanga na raw. Nagpapasarap at "nagpapalaki" ng kanyang "bahala na kayong mag-isip", mga kababayan.
Akala siguro nitong si Gamad ganoon lang kadali. Kung mababasa niya man ang kolum na ito. Ngayon pa lang ay sinasabi na namin, kami ang iyong magiging "KARMA". Humanda ka!
Kung magagawa mo, padalhan mo kami ng isang e-mail pa ng iyong reklamo para sa OWWA natin dito sa Pilipinas (i-care of mo sa amin). Kami na ang pormal na magdadala ng iyong reklamo sa OWWA natin dito, pati na rin sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Pasok ka na sa files ng Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO. Kung maaari lamang ay gupitin mo ang kolum na ito at ipabasa mo kahit kanino diyan sa embahada natin. Huwag ka lang sana nilang babalewalain, dahil itinuturing namin itong isang uri ng paghamon.
Kaya sa mga opisyales ng embahada at ng OWWA diyan sa Saudi Arabia, subukan ninyong magbingi-bingihan at magbulag-bulagan, tutuluyan namin kayo! Kapag ito ang makakarating sa amin, sa pamamagitan ni Redanny.
Abangan, may karugtong!
E-mail us: [email protected]
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended