^

PSN Opinyon

Iba ka talaga,Gloria

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
DALAWANG araw magkasunod, nagtataray ang ating Presidente, si Gloria Macapagal Arroyo dahil daw sa kakulangan or lax of security sa ilang pampublikong lugar. Unang sinermonan, sinigawan at ipinahiya ay ang Airport manager ng Ninoy Aquino International Airport na walang iba kung hindi ang kapit tuko sa position na si Edgardo Manda. Ayon sa balita, hindi yata nagustuhan ni PGMA na nakita niyang kulang sa security measures ang airport building at ang paligid nito. Mga kotse raw hindi hinihinto para-inspeksyunin ang mga trunk (baggage compartment) nito, o isailalim sa metal detectors kung may bombang nakakabit sa ilalim ng mga sasakyan. Ang lahat ng ito ay pagbibigay ingat sa publiko na kadalasan dumaragsa sa NAIA. Ok sana yun.

Hindi ba maaring pagsabihan si Mr. Manda sa isang pribadong lugar at huwag mong pahiyain sa harap ng publiko? Mas lalo na sa harap mismo ng kanyang mga tauhan? Sibakin mo sa tungkulin kung kailangan, pero hindi magandang tingnan na ang Presidente ng ating bayan ay nanghihiya ng tao. Tao niya si Manda. Hindi ko naman maintindihan din ang tapang ng apog nitong si Airport Manager Edgardo Manda na sumagot pa sa media at sinabing nagpapasalamat siya at ginising siya sa kanyang pagkahimbing ni Presidente tungkol sa isyu ng lax of security. May tawag d’yan sa mga ganyang tao.

SIPSIP, HIGOP, ika nga! Pinahiya ka na nga, kung ayaw mong magbitiw, sana hindi ka na nagsalita pa. Baka naman natatakot yung mama na maisipan ni PGMA na tuluyan na siyang sibakin sa puwesto. Hindi na siguro, T’song, pinahiya ka na niya. Nakaporma na siya sa press. Sumunod na araw naman daw sa SM Megamall naman daw nagtataray si PGMA. Ang dahilan, nanonood ng fire drill at napansin nito na may mga shoppers, mga uzizero na nandun din. Nagtataray ito na dapat daw walang civilians sa building dahil fire drill.

Kailangan ba talagang magpahiya ng tao sa harap ng iba? Ganito ba talaga ang ugali ni PGMA? She’s the President. Yah, right! Then she must show proper decorum in public. Kung susuriin natin maganda ang intensyon ni PGMA. Para sa kapakanan din ng ating mamamayan. Bakit kaya siya mismo ang nag-iikot para mag-inspeksyon kung ini-implement ang istriktong security measures? Biglang sumagi sa aking isipan na nung isang araw, habang pinanood ko ang coverage ng "CNN’s War in Iraq," nagpa-interview ang ating petite, na pangulo.

Ang CNN ay naka-broadcast worldwide. Tahasang sinabi niya ang pagsuporta sa kilos ni President George Bush na giyerahin ang Iraq at si Saddam Hussien. Sa mismong programang yun, na nadidinig sa buong mundo, ipinakita ni PGMA na tuta tayo ng Kano. Ilang Muslim ang nakadinig nun? Ilang mga Muslim, hindi lang dito kundi sa buong mundo ang itinanim sa kanilang isipan na ang Pilipinas ay isang bansa na maari gantihan upang parusahan ang kalupitan na ginawa ng mga Amerikano at Allied forces? Ilan kaya, PGMA? Hindi na ngayon kataka-taka para sa akin na nangangamba ka, para sa ating bayan na ito’y maging target ng terrorismo mula sa mga kagalit ng Amerika. Dinagdag ni PGMA na kung gusto ng Amerika gawing "refueling station" ang Pinas, bukas daw ito.

Kung hindi pa kayo nalalaglag sa inyong upuan, tinapos ni PGMA ang kanyang mga sinabi ng ianunsyo niya sa CNN na handa tayo magpadala ng mga "peace keeping forces" sa sandaling matalo na ang Iraq. Peace keeping mission kaya, o kapakanan lamang ng Amerika? Hindi kaya sa ginawa ni PGMA, ibinilad na niya tayo, ang buong bayang Pilipino, na maging target ng terorismo? Bakit hindi na lang sana siya nanahimik. Milyun-milyong kabataan at mga demostrators, dito mismo sa ating bayan ang ayaw sa giyerang ito sa Gulfo. Heto ang ating Pangulo, nagsasalita, live sa CNN na pabor siya sa giyera at inaalok pa ang ating bayan para sa mga American Forces para magkarga ng crudo. Hindi ba nakabase na nga ang mga Kano sa Kuwait? Bakit pa tayo kailangan? Tinanong kong muli ang aking saril kung bakit niya ginawa ito? Sinagot naman ako ng marinig ko sa CNN ang report ni Pres. Bush tungkol sa mga nagasta na ng Amerika dito sa digmaang laban sa Iraq.

Narinig ko ng aking mga tenga kung ilang bilyong dolyares na. Isa sa mga recepient o nakatanggap ng American aid ay walang iba kundi ang Philippines. Magkanong ibinigay, itanong mo kay Gloria. Sana naman magamit ito sa ikauunlad ng kabuhayan ng Pilipino.

"IBA KA TALAGA GLORIA!" Ito ngayon ang aking tanong. Anong opinyon n’yo sa paglabas at broadcast ni PGMA tungkol sa pagsuporta sa America sa giyera sa Iraq? Sa pag-offer niya sa Pinas bilang refueling station ng American Forces? Pabor ba kayo o ano ba ang inyong opinyon? Paki-text lang sa 09179904918. Maaari rin kayong tumawag sa CALVENTO FILES 7788442.

AMERICAN FORCES

AMERIKA

ATING

BAKIT

KUNG

PGMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with