^

PSN Opinyon

Bombahan sa Iraq wa epek sa Pinas!

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
HINDI pa man natatapos ang taning na 48 hours na ibinigay ni President George W. Bush upang umalis si Saddam Hussein at kanyang dalawang anak, bumira na kaagad ang US. Tinotoo ang babala.

Sa aksyon ni Bush, ipinakita niya na mayroon siyang isang salita at talagang desididong giyerahin ang Iraq. Walang nagpabago ng kanyang kalooban sa kabila ng panawagan sa kanya ng mga pinuno ng ibang bansa.

Kahit si Bush pa ang lumalabas na kontrabida ay balewala sa kanya samantalang si Saddam ang halimaw at pinararatangang ‘‘murderer’’, ‘‘first-class human rights violator.’’ Si Saddam ang itinuturo sa pag-atake sa Twin Tower sa New York at nasa likod ng mga terorismo sa US at iba’t ibang parte ng mundo. Imbes na si Saddam ang kamuhian nabaligtad ang pangyayari.

Sa pag-atake sa Iraq, wala namang nagulantang sa ginawa ng mga Amerikano. Kung kaya’t tuluy-tuloy pa rin naging normal ang takbo ng buhay dito sa Pilipinas at maging sa Amerika at ibang lugar. Sa katunayan nga, tumaas pa ang halaga ng piso. At bumaba ang presyo ng gasoline at ibang bilihin.

Makabubuti kung tayo ay magiging mahinahon at magdarasal na maligtas ang ating bansa at mga kababayang nasa Middle East. Ipanalangin din natin na matapos kaagad ang US-Iraq war.

AMERIKA

AMERIKANO

IMBES

MIDDLE EAST

NEW YORK

PRESIDENT GEORGE W

SADDAM

SADDAM HUSSEIN

SI SADDAM

TWIN TOWER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with