^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Siningil na sobra ng Meralco, nalimutan na?

-
SA susunod na buwan ay magtataas na naman ng singil ang Manila Electric Company (Meralco). Nakikisabay sa bagsik ng giyera sa Gulf. Eksakto rin sa panahon ng tag-init kung kailan kailangan ng consumers ang elektrisidad para sa kanilang electric fan, aircon at iba pang electrical appliances. Panibagong pasanin na naman. Kaya walang magagawa kundi tanggapin na lamang kung ano ang gusto ng Meralco. Wala namang makitang kakampi ang taumbayan kung paano maluluwagan ang pasanin sa pagbabayad ng kunsumo. Ang mambabatas na inaasahan ng taumbayan na tutulong kung paano mapagagaan ang pasanin sa Meralco ay tila naging kakampi pa nito.

Noong Huwebes ay inaprubahan na ng Senado ang kontrobersiyal na 25-year mega-franchise ng Meralco para makapag-operate at mag-maintain ng distribution system ng koryente sa maraming bahagi ng Luzon kabilang na ang Metro Manila. Sa 14 na senador, 12 ang bumotong pabor samantalang dalawang senador ang nag-abstain. Ang dalawa ay sina Senators Vicente Sotto III at Serge Osmeña III. Sa pagkakaapruba sa mega-franchise, sinabi ni Sen. Joker Arroyo na walang ibang power firm maliban sa Meralco ang makapagdi-distribute ng kuryente sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at maraming bahagi ng Batangas, Laguna, Quezon at Pampanga.

Bakit napakadali naman yata ng pag-aapruba at walang kahirap-hirap na nakuha ang kontrobersiyal na mega-franchise? Lumalabas na tanging ang Meralco na lamang ang makapangyarihan at may karapatang magsuplay ng koryente. Hindi maaaring pumasok ang ibang power company. Sa nangyaring ito, patuloy ang serbisyo ng Meralco sa mga kawawang consumers. Patuloy ang paniningil nila ng purchased power adjustment (PPA), walang habas na pagtataas at ang di-makatarungang pagputol sakalit maatrasado ang pagbabayad ng consumer.

Naaprubahan ang kontrobersiyal na mega-franchise na walang konsultasyon sa mga consumers group at hindi man lamang naungkat ang tungkol sa sobrang singil na ginawa ng Meralco sa consumers. May P42 billion ang sobrang singil ng Meralco na kailangan nilang ibalik, alinsunod sa utos ng Supreme Court. Subalit matigas sila at walang kinatatakutan.

Ngayon nga’y nakakita na naman sila ng kakampi sa katauhan ng mga senador. Inihalal ng taumbayan ang mga senador para malapitan sa oras ng kagipitan. Ngayon, ang kinakampihan ng mga senador ay ang Meralco at nalimutan na nila ang taumbayan.

vuukle comment

BAKIT

JOKER ARROYO

MANILA ELECTRIC COMPANY

MERALCO

METRO MANILA

NGAYON

NOONG HUWEBES

SENATORS VICENTE SOTTO

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with