Bayag nina Atienza at Bulaong umurong sa isyu ng video karera ni Buboy Go
March 21, 2003 | 12:00am
MUKHANG umurong ang bayag ni Manila Mayor Lito Atienza kung ang video karera machines ni Buboy Go ang pag-uusapan. Kasi nga, nagsunog na ng makina itong sina Pasay City Mayor Peewee Trinidad at Caloocan City Mayor Rey Malonzo nitong nagdaang mga araw subalit si Mayor Atienza ay nakatali ang mga kamay sa isyu ni Buboy Go. Totoo ba na may P500,000 na dahilan ha Mayor Atienza at Chief Supt. Pedro Bulaong, hepe ng Manila Police Sirs. Tanong lang.
Matapos kong ibulgar ang pagsulpot ng video karera sa ibat ibang bahagi ng Metro Manila aba eh kumilos kaagad itong sina Mayors Trinidad at nagsunog ng 18 at 87 nakumpiskang makina. Si Gen. Bulaong naman ay nagpahayag na hindi niya papayagang mamutakti ang makina hindi lang ni Go kundi kahit ninuman sa Maynila. Pero ang tanong saan ang mga makinang nakumpiska niya eh maliwanag namang talamak na ang operation ng VK dito sa hurisdiksiyon niya? Ang usapan pala rito sa Maynila kapag may nahuling maraming makina, isa lang ang gagawing ebidensiya at ang iba ay isasauli kay Go at iba pang may-ari dahil sa sobrang laki ng intelihensiya nila.
Sinabi ng mga pulis na nakausap ko na si Go ay may kabuuang 1,500 makina na nagkalat sa buong Maynila. Marami kasing naka-umbrella sa kanya lalo na ang mga aktibong pulis at newsmen, ayon pa sa kanila. Si Randy Sy naman ay may halos 500 makina na nakalatag naman sa Tondo lalo na sa sakop ng Station 1, 2 at 7. May 50 makina naman itong si Romy Gutierrez na sa sakop ng Station 2 sa Moriones, Tondo. May 10 makina rin ang pulis na si Dula Torre sa 1953 Juan Luna at Capulong Sts. sa Tondo, anila. Ang masakit niyan, marami sa nagkalat na makina ay matatagpuan malapit sa police station lalo na sa likod ng Station 1 sa pamumuno ni Supt. Danilo Abarzosa. Hindi mo ba kayang banggain si Edwin Natividad ha Col. Abarzosa Sir?
Kung sa Pasay City at Caloocan City ay tiyak bababa ang bilang ng krimen dahil wala ng libangan ang mga adik, sigurado akong sa Maynila at taliwas ang mangyayari. Inaamin naman ng pulisya na karamihan sa mga kaso ng street crimes ay gawa ng mga kalalakihang sabog sa droga kayat tama lang ang aksiyon nina Mayors Trinidad at Malonzo. Eh ikaw Mayor Atienza, kelangan pa bang maraming mabiktima ang mga sugapa sa droga bago ka kumilos? Ganyan din ang tanong ko kay General Bulaong. Ang balita ko, si General Bulaong ay ipo-promote pa bilang bagong hepe ng Region 3 sa reshuffle ng PNP. Eh itong maliit na Maynila nga hindi niya naperhuwisyo si Buboy Go doon pa sa Central Luzon na buhay na buhay ang sugal na jueteng? Pag nagkataon, panibagong demoralization na naman yan dahil junior pa si Bulaong na produkto ng PNPA Class 80. Weather-weather lang yan, di ba Gen. Bulaong Sir?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended