^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Paraiso ng drug smugglers

-
PARAISO ng mga drug smuggler ang Pilipinas, ayon sa report ng US Bureau for International Narcotics and Law Enforcement Affairs. Ang pahayag ay nakasaad sa kanilang 2002 International Narcotics Control Strategy Report.

Kahit na hindi magpalabas ng report ang nasabing bureau, marami nang nakaaalam na ang Pilipinas ay bagsakan ng mga illegal drugs galing sa ibang bansa. Totoo ang report na isang paraiso ang Pilipinas ng mga salot na drug traffickers. Sa bansang ito nila ibinabagsak ang kanilang mga produkto sapagkat nalalaman nilang madaling makaliligtas sa batas sa bansang ito. Nakatulong sa pagiging paraiso ang malawak at hindi nababantayang mga baybaying dagat. Madali lang magpuslit ng droga. Dalawang taon na ang nakararaan isang barkong pangisda ang nasabat ng mga awtoridad sa Batangas. Nang masusukol na ang mga Intsik, itinapon nila sa dagat ang mga kargamentong shabu.

Ang baybayin ng Quezon ay isang magandang paraiso. Hindi rin nababantayan ng mga awtoridad kaya malayang nakapagbabagsak ang mga "salot" ng kanilang produkto. Matapos maibagsak, sasahurin naman ng mga "dupang" na opisyal ng bayan ang shabu at tapos na ang problema. Katibayan ang pagkakahuli kay Mayor Ronnie Mitra ng Panukulan, Quezon mahigit isang taon na ang nakararaan. Ginamit pa ng mayor ang ambulansiya ng kanyang bayan para maideliber ang talaksan ng shabu.

Ang baybayin sa La Union at Pangasinan ay maganda ring paraiso para mga ‘‘salot’’. Dahil sa kaluwagan at hindi nababantayang baybayin, walang kahirap-hirap ibagsak ang shabu. Ma-iimagine kung gaano na karaming shabu ang naipasok dito dahil sa kaluwagan. Sa ulat ng bureau, hindi lamang shabu ang binabagsak dito kundi pati mga heroine, na siya namang ibinibiyahe patungong Thailand at Pakistan. Mula sa dalawang bansang ito, saka naman ibibiyahe, patungong US, Guam at Europe.

Bukod sa kaluwagan, malambot ang batas sa Pilipinas laban sa mga drug traffickers. Mismong sa mga judge pa lamang na humahawak ng kaso ay nagkakaroon na ng lagayan. Ilang suspected drug traffickers na ba ang pinalaya ng mga corrupt na judge. Ilang illegal Chinese na ba ang nakalabas ng bansa dahil naman sa mga corrupt na opisyal sa Bureau of Immigration?

Paraiso nga ng mga drug traffickers ang Pilipinas, hindi na ito nakapagtataka sapagkat laganap ang corruption at hindi seryoso ang pamahalaan sa pagpapatupad ng batas.

BUREAU OF IMMIGRATION

ILANG

INTERNATIONAL NARCOTICS AND LAW ENFORCEMENT AFFAIRS

INTERNATIONAL NARCOTICS CONTROL STRATEGY REPORT

LA UNION

MAYOR RONNIE MITRA

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with