^

PSN Opinyon

Varicose veins: Maiiwasan sa pamamagitan ng paglalakad

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
KARANIWAN na ang mga kababaihan ang tinatamaan ng varicose veins kaysa sa mga kalalakihan. Ang varicose veins ay kadalasang nakikita sa mga binti bagamat maaari rin itong makita sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Kadalasang lumalabas ang varicose veins makaraang makapanganak ang babae.

Nasa panganib magkaroon ng varicose veins ang mga taong ang trabaho ay kinapapalooban nang mahabang oras ng pagtayo. Nasa panganib din na magkaroon ng varicose veins ang mga taong matataba. Nasisira ang daloy ng dugo pabalik mula sa paa at mga binti.

Ang mga taong madalas kumain ng mataas sa fiber ay nababawasan ang panganib sa pagkakaroon ng varicose veins. Dagdagan ang pagkain ng mansanas, sariwang berdeng gulay, wheat pasta, wholemeal bread at brown rice.

Ang pinaka-da best na payo para maiwasan ang varicose veins ay panatilihin ang katamtamang pangangatawan. Iwasang maging obese. Dagdagan ang pagkain ng mga prutas at fiber.

Ang pagkakaroon ng regular exercise, lalo na ang paglalakad ay pinakamahusay na paraan para hindi magkaroon ng varicose veins. Iwasang tumayo nang matagal na oras at iwasan ding mag-cross legs. Put your feet up whenever you can.
* * *
Happy 17th anniversary sa PSN bukas!

vuukle comment

DAGDAGAN

IWASANG

KADALASANG

MAGKAROON

NASISIRA

PANGANIB

VARICOSE

VEINS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with