^

PSN Opinyon

Pagbebenta sa Petron shares bugok na ideya

- Al G. Pedroche -
SABI ng ilang texters, kailangan ng PSN ng isang "pro-Erap" columnist. Masyado raw tayong pro-administration. On the contrary, may naisulat ang ating kaibigan si Tony Calvento sa kanyang Calvento Files na umaayon sa pagpi-piyansa ni Jinggoy Estrada. May nag-text din sa kanya at binatikos siya kaugnay nito. Well, you can’t please everybody.

Kailan man, di tayo naging propaganda machine ng sino mang Presidente. Kay Cory Aquino lang medyo naging bias ang pahayagang ito na itinatag to protect the then newly-installed democracy noong 1986. Wala tayong Presidenteng sinasanto basta’t may kapalpakan. Hindi layunin ng pahayagang ito ang pumuri sa mabubuting ginagawa ng sino mang leader dahil iyan ang kanilang tungkulin. Bumatikos sa kapalpakan ang tungkulin ng media. Ang media’y tenga at mata ng mamamayan upang isiwalat ang mga anomalyang nagaganap. Pantawag pansin sa mga dapat aksyonan ng ating mga leader. Ang PRESS ay hindi sing-kahulugan ng PRAISE.

Ang gusto kong "bombahin" ngayon ay ang plano ng administrasyong Arroyo na ibenta ang natitirang 40-porsyentong government shares sa Petron. Bugok na panukala. Hindi na nga makontrol ang pagtaas sa presyo ng langis, tuluyan pang bibitiw ang pamahalaan sa oil firm na pag-asa ng masa para hindi lubhang tumaas ang presyo ng petrolyo.

Korek si Surigao del Norte Rep. Ace Barbers. Hinihimok niya ang kapwa mambabatas na pigilin ang balak na ito at bumuo ng konkretong hakbang para masawata ang pagtaas sa halaga ng petrolyo. Noong panahon ni Fidel Ramos, 60-porsyento ang shares ng gobyerno sa Petron at ang 40-porsyento ay hawak ng dayuhang ARAMCO. Ibinenta ni Ramos ang 20 porsyento sa publiko leaving the government with only 40 percent shares. Tama ang proposal ni Barbers na bilhin muli ng gobyerno sa publiko ang naibentang 20 percent para lumakas ang kontrol sa kompanya. Sa gayon malalansag ang cartel. Hindi basta-basta makapagtataas ang ibang giant oil firms basta’t kontrolado ng gobyerno ang presyo sa Petron.

General interest
ng publiko ang dapat unahin at huwag intindihin ang sasabihin ng ibang nasa business sector. Paminsan-minsan gumamit naman sana ang gobyerno ng kamay na bakal para protektahan ang publiko at hindi yung mga mayayamang negosyante.

ACE BARBERS

BUGOK

BUMATIKOS

CALVENTO FILES

FIDEL RAMOS

JINGGOY ESTRADA

KAY CORY AQUINO

NORTE REP

PETRON

TONY CALVENTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with