^

PSN Opinyon

'Iresponsableng' pahayag ng SEC at DTI laban sa kanilang mga inaakusahan (Part 1)

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
ANG seryeng mababasa n’yo ngayon ay sadya kong isinulat para sa kapakanan ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa mga bansang naaabot ng pahayagang ito.

Dalawang taon na ang nakalilipas nang magdeklara ng giyera ang kolum kong ito laban sa mga panloloko ng mga kompanyang sangkot sa illegal pyramiding o network marketing scam.

Simula nu’ng ako’y nasa kabilang pahayagan pa, hanggang ngayon, hindi tumitigil ang Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO sa krusadang ito. Layunin naming balatan ang mga kompanyang ito ng kanilang tunay na anyo. Hindi ko estilo ang magsulat ng kolum base sa mga pangamba, pananaw, o di naman kaya, opinyon o kuro-kuro. Sa trabaho kong ito, masusing pag-aaral at imbestigasyon ang aking isinasagawa.

At ang aking pinagbabasehan ay ‘yung mismong mga nagrereklamong biktima ng mga kompanyang nanloko sa kanila. Lilinawin ko, ‘yung mga lehitimong nagrereklamong biktima na sumailalim sa aming masusing imbestigasyon. Mahalaga sa amin ang mga dokumentong pinanghahawakan ng mga biktimang humihingi ng saklolo sa amin. Ito ang pangunahing batayan ng aming imbestigasyon.

Para sa kapakanan ng mga OFW at ng kanilang mga pamilya, bukas ang aming pinto sa mga biktima ng panloloko, tulad nitong illegal pyramiding o network marketing scam.
* * *
Kaakibat namin ang mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Securities and Exchange Commission (SEC) maging ang Department of Trade and Industry (DTI) laban sa mga kompanyang nagpapanggap bilang lehitimong multi-level marketing companies.

Iisa ang aming layunin. Ang magbigay ng babala upang makaiwas ang publiko sa mga panloloko ng mga kompanya na ang target ay ang mga OFW natin.

Ngunit isa lang ang pamantayan ng Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO at ng BITAG, investigative/undercover TV na mapapanood sa ABC-5 tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon.

Ipinaiiral namin ang salitang "due process" na dapat ay ipagkaloob sa sinumang pinaparatangan. Dito nagkakatalo! At dito kami naninindigan. Hindi ito ipinaiiral ng SEC at DTI sa kanilang mga pinaparatangang kompanyang sangkot sa illegal pyramiding o network marketing scam. Tamaan na ang dapat tamaan. Balatan ang dapat balatan. Pangalanan ang dapat pangalanan. Ngunit responsibilidad ng awtoridad na maging "tumpak" "beyond reasonable doubt" na ang mga inaakusahan ay positibo bilang pseudo- investment firms at sangkot sa network marketing scam.

Ang masahol dito, pinangalanan ang mga kompanyang kanilang "pinaghihinalaan" nang hindi man lang inimbestigahan isa-isa, bago nila inilabas ang kanilang babala sa media.

Sa puntong ito, tahasan kong sinasabi na naging "iresponsable" ang mga awtoridad na siyang may responsibilidad sa bagay na ito. Pagmasdan ang salitang aking ginamit. IRESPONSABLE.

Tutumbukin ko na ang aking mga target. Ang Securities and Exchange Commission (SEC) at ang Department of Trade and Industry.

Gaya ng aking sinabi, hindi ako nagsasalita nang wala akong pinanghahawakang matibay na ebidensya.

Nasa pangangalaga ng Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO at BITAG ang mga eksklusibong taped interviews sa aming radio program, at TV interview sa BITAG.

Abangan! May karugtong.
* * *
Para sa mga tips, reklamo’t sumbong, tumawag o mag-text sa mga numerong ito: (0918)9346417 at telepono 9325310/9328919.

ABANGAN

ANG SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION

BALATAN

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

IMBESTIGASYON

NGUNIT

SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with