^

PSN Opinyon

Gawain ng demonyo, hindi tao

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
ANG nangyaring pagpapasabog sa isang waiting shed may 50 metro ang layo sa Davao International Airport ay gawain ng demonyo at hindi ng tao.

Hindi naawa ang mga gago sa mga inosenteng taong namatay at nasugatan sa kanilang operasyon.

Kung matatapang sana ang mga tarantadong ito ay dapat lumabas sila sa lungga at harapin ang tunay nilang mga kaaway.

Hindi biro ang ginawa nila, tiyak ng mga kuwago ng ORA MISMO na malaking epekto ito sa ekonomiya. Marami na ang nagugutom ay gusto pang dagdagan ng mga punyetang ito ang mga taong gutom.

Dapat bakal sa bakal, ngipin sa ngipin, ito sana ang gawin ng mga tarantado kung talagang gusto nila ng magandang laban.

Kung ang militar ang may atraso sa kanila, bakit pati mga civilian ay dinamay nila? Sana ang mga sundalo at pulis na lamang ang tinarget ng mga ito at hindi ang mga kawawang civilian.

May kabuuang bilang na 21 ang namatay at daang tao ang nasugatan sa nangyaring trahedya. Sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO ay tataas pa ang bilang ng mga namatay dahil marami ang nasa malubhang kalagayan?

Marami ang sumisisi kay Prez Gloria dahil sa mga deklarasyon nitong pulbusin ang mga rebelde sa Kamindanawan, ngayon ang mga inosenteng civilian ang pinulbos.

Ang Davao City ay itinuturing na isa sa pinakaligtas na lugar sa Southern Philippines. Dinadagsa ito ng mga turista, partikular ang mga Japanese nationals kasi bukod sa magaganda ang mga tanawin dito ay tahimik pa ang lugar.

Sinubukan ng mga NPA na pumapel sa Davao ilang dekada na ang nakakaraan pero pinulbos ito ng grupong Alsa Masa. Hindi rin sila umubra kay Davao City Mayor Rudy Duterte nang ipatupad nito ang peaceful co-existence sa kanyang lugar.

Pero sa nangyari noong Martes ng hapon, ang Davao City ay maituturing pa kayang ligtas na lugar? Puwede pa kaya itong tawaging lupang pangako?

"Bakit lalong bumabangis ang mga kalaban ng gobyerno sa halip na matakot?" tanong ng kuwagong sepulturero.

"Sa guerilla warfare walang sini-sino ang mga rebelde kahit bata o matanda, bakla o tomboy, pangit o maganda, bungal o hindi, normal o abnormal basta ang sa kanila ay makapaghasik ng lagim," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Ano ang dapat gawin ng gobyerno para maiwasan ang patayan?"

"Sibakin ang grupo ng We Bulong sa kampo ni Prez GMA?"

"Bakit meron ba?"

"Oo meron at sa palagay namin, sila ang nagpapalala sa sitwasyon kasi sa mga maling bulong kay Prez Gloria."

"Marami kasing pa-bright-bright sa kampo ni Prez GMA."

"Anong gusto mong mangyari?"

"Itigil na ang maling bulungan kasi ang naniniwala sa bulung-bulungan ay walang bait sa sarili."

"Hindi ba Your Excellency?"

ALSA MASA

ANG DAVAO CITY

BAKIT

DAVAO CITY

DAVAO CITY MAYOR RUDY DUTERTE

DAVAO INTERNATIONAL AIRPORT

MARAMI

PREZ GLORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with