^

PSN Opinyon

Ang katotohanan tungkol sa PPA

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
ITO ang karugtong ng isinulat ko tungkol sa phenylpropanolamine (PPA) noong nakaraang linggo. Ang PPA ay sangkap sa mga over-the-counter drugs (OTC) para sa ubo at sipon. Maraming kritiko ang nagsasabing ang PPA sa mga gamot sa sipon at ubo ay nagiging dahilan ng hemorrhagic strokes. Dahilan para magsulputan ang iba’t ibang opinyon na may kaugnayan sa PPA.

Ano ba talaga ang totoo sa mga PPA laden drugs?

Binaha ng batikos ang Bureau of Food and Drugs (BFAD) dahil sa pagpapahintulot nito sa paggawa at pagbebenta ng mga gamot na may PPA. Ang PPA ay karaniwang sangkap sa gamot para sa baradong ilong at ganoon din para sa sipon at ubo. Bukod sa alegasyong ito ay masama sa kalusugan, lumabas pa ang nakahihindik na balitang nagiging dahilan ito ng pagdurugo sa utak. Umano’y ipinagbawal na ang sangkap na ito ng Dangerous Drugs Board (DDB) kasunod ng alegasyon din naman na ito’y nagiging dahilan din ng pagka-addict. Ginagamit umano itong raw material para sa illegal drugs gaya ng shabu.

Walang basehan ang mga alegasyon. Sa katunayan, mahigpit na mino-monitor ng DDB ang mga substances na maaaring i-manufactured para sa illegal drugs. Sinasalang mabuti ng DDB ang anumang substances na pumapasok sa bansa kaya nakatitiyak na ito ay ligtas,

May 40 taon nang ginagamit sa Pilipinas ang mga gamot na may PPA substance. Napatunayan na itong safe sa tamang dosage. Ang Department of Health at BFAD ay nagpapahintulot na mag-manufacture at magbenta ng mga gamot sa sipon at ubo na may 25 mg. pababa. Ni-regulate naman ang 25 mg. hanggang 50 mg. ng PPA at dapat ay may prescription samantalang ang mataas sa 50 mg. ay tuluyang ibina-ban.

ANO

BINAHA

BUKOD

DAHILAN

DRUGS

DRUGS BOARD

GINAGAMIT

PPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with