Pag-ibig ni Rosebud
February 14, 2003 | 12:00am
TAGLAY niya ang kagandahang pupukaw sa imahinasyon ng mga lalaki. Balingkinitan ang katawan at mala-sutla ang kutis. Mahinhin kung kumilos at marahang magsalita. Sa kabuuan, isa siyang babae na hindi lang minsan kundi maraming beses na susulyapan na habang tumatagal ay lalong gumaganda. Matalino siya. Matatag ang prinsipyo. Matapang niyang isiniwalat sa sambayanan ang malawakang operasyon ng droga na sangkot ang ilang matataas na opisyal ng bansa. Siya si Mary Ong alyas "Rosebud".
Ngayong Araw ng mga Puso, ang pag-ibig ni Rosebud ang aking ilalahad. Makulay at magsisilbing inspirasyon sa marami ang kanyang karanasan. Sa isang eksklusibong panayam ng BANTAY KAPWA inamin ni Rosebud na labis siya kung magmahal. Halos sambahin niya ang lalaking naging bahagi ng kanyang puso. Walang iba kundi si Supt. John Campos.
Matagal silang nagsama ni Campos. Dito niya nadama ang init ng pagmamahal at ang kaligayahang nadarama ng isang babae. Maraming magagandang bagay ang kanilang pinagsaluhan sa tagal ng kanilang pagsasama.
Dahil sa exposé niya sa illegal drugs biglang nalambungan ng makapal na ulap ang kanilang relasyon ni Campos hanggang sa silay magkalayo.
Hanggang sa mabalitang pinatay si Campos. Gustung-gusto niyang makita ang bangkay ni Campos subalit siyay pinagkaitan. Walang patid ang kanyang pag-iyak. Doon niya napatunayan na hindi dapat na lubos ang pagmamahal ng babae sa lalaki at dapat na magtira rin ng kahit kaunti sa sarili. Sa pagpanaw ni Campos ay naging matatag siya at naging abala sa foundation para sa mga testigo sa krimen at kampanya sa droga.
Ayon kay Rosebud, hindi niya masasabi kung muli siyang iibig. Ang lahat ay ipinaubaya niya sa Diyos at panahon lang ang makapagsasabi kung muli niyang bubuksan ang puso sa pag-ibig.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended