Jueteng ang inaatupag ng CIDG
February 14, 2003 | 12:00am
HUWAG kayong magtaka mga suki kung bakit malakas magsabong sa ngayon ang mga opisyales ng Criminal Investigaiton and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame. Kasi nga ang tinatanggap nilang P2 milyon noon bilang intelihensiya sa jueteng sa buong Luzon ay naging P2.8 milyon na. At yan ay dahil sa jueteng genius na si Elmer Nepomuceno at ang kanyang partner na si Supt. Igmedio "Racmo" Cruz, ang hepe ng Task Force Red Scorpion ng CIDG, anang mga pulis na nakausap ko.
Mukhang nanalo sa bidding si Nepomuceno nang hikayatin niya ang mataas na opisyal ng CIDG na siya na ang tatayong kolektor nito ng intelihensiya. At sino ba naman ang aayaw sa tumataginting na P800,000 mga suki? Ang hindi ko lang alam ay kung weekly o monthly ang sinasabing P2.8 milyon na tinatanggap ng CIDG official. Kaya palaging namamataan ng mga pulis na nakausap ko ang opisyal ng CIDG sa mga sabungan sa Metro Manila at karatig na mga siyudad at bayan. Ewan ko lang kung marunong magsabong si CIDG director Chief Supt. Eduardo Matillano.
At bakit tahimik si Interior Secretary Joey Lina sa patuloy na panghaharabas nina Nepomuceno at Racmo? Kung gagawing basehan itong patuloy na pananalasa ng dalawa sa mga jueteng lords eh ibig bang sabihin wala nang buhay ang kampanya ni Lina sa jueteng? Eh maging sa Laguna na kanyang probinsiya ay hindi niya mapigilan ang gambling lord na si Moli, paano masasabi ni Lina na nalinis na niya ang buong Luzon sa jueteng? Kaya malaki ang intelihensiya ng opisyal ng CIDG, ibig sabihin niyan talamak na ang operation ng jueteng sa bansa, di ba mga suki?
Dahil nga sa bangis nina Nepomuceno at Racmo, halos lahat ng jueteng lords sa bansa ay umaaray na. Kasi nga abot ni Nepomuceno kung magkano o anong porsiyento ang mahuhuthot niya sa mga jueteng lords kayat abot leeg ang tara niya. May magagawa ba ang mga jueteng lords laban kina Nepomuceno at Racmo? Eh di wala dahil protektado sila ni Million-peso man na opisyal ng CIDG. Kung sabagay, sosyong laway na rin sina Nepomuceno at Racmo sa operation nina Moli at Eddie Caro ng Rizal. Hindi nalalayo na pinipilit din nila ang iba pang mga jueteng lords na sumunod sa kagustuhan nilang mataas na intelihensiya, di ba mga suki?
Ang kasunduan pala sa CIDG, sina Nepomuceno at Racmo ang may say kung jueteng ang pag-uusapan. Ang ibang mga unit naman ang sa maliliit na sugal. Kung may kukurot sa jueteng, dapat magpaalam muna ang mga unit kina Nepomuceno at Racmo bago magsagawa ng raid. Sobra ang tibay ng dalawa, no mga suki? Pero marunong ang dalawa dahil pili lang ang mga jueteng lords na kinakausap nila. Ibig sabihin niyan pag hindi ka nila "ka-tropa" panay raid ang gagawin nila para may maipakitang accomplishment sila, di ba Elmer Amparo? Panay jueteng ang inaatupad ng CIDG eh paano ang kampanya laban sa krimen, tanong ng kapwa nila pulis. Sa ngayon ba may mga nahuhuling kriminal ang CIDG? He-he-he! Mukhang bokya, di ba mga suki?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest