^

PSN Opinyon

Paano maipapasok ang lupa sa CMP?

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Dear Sec. Mike Defensor,Ako ay may-ari ng isang pribadong lupain na matatagpuan sa Caloocan. Ang lupang ito ay tinitirhan ng mahigit 50 pamilya. Maayos naman ang usapan namin sa mga pamilyang nakatira sa aming lupain subalit ngayon ay kinakailangan ko ng pera at nais ko sanang ipagbili ito sa mga pamilya. Gusto rin nila itong bilhin subalit kulang po ang kanilang pondo.

Nabasa ko po ang tungkol sa Community Mortgage Program ng National Home Mortgage and Finance Corp. (NHMFC) sa inyong kolum.

Papaano po kaya namin maipapasok ito sa CMP? Ano ba ang dapat gawin? Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtulong sa amin at sa ating mga kababayan. – Minerva R.


Angkop na angkop po ang CMP para sa ganitong mga sitwasyon. Sa pamamagitan ng programang ito ng NHMFC, nabibigyan ng pagkakataon ang maralitang taga-lungsod na magmay-ari ng lupang kanilang kinalalagyan.

Sa ilalim ng CMP, maaaring umutang ang isang organisasyon o asosasyon na pambili ng lupa. Unang-una, ay kailangan ng kasunduan sa pagitan ninyo, bilang may-ari ng lupa at ng asosasyon tungkol sa bilihan ng lupa. Kung may asosasyon na ang mga pamilyang nakatira sa inyong lupain ay mabuti at kung sakali mang wala pa ay hinihimok ko na magtatag sila ng organisasyon o asosasyon.

Kailangan po na humanap ang asosasyon ng isang originator na may akreditasyon ng NHMFC. Ang originator ang mag-aayos ng mga papeles at dokumento sa CMP. Ang originator din ang tutulong sa pagpapaliwanag sa mga pamilya tungkol sa programang ito maging ang kanilang responsibilidad sa pagbabayad ng pondong mauutang. Marami pong salamat sa inyong pag-intindi at pang-unawa sa sitwasyon ng ating mga kababayan. Sec. Mike Defensor

ANGKOP

ANO

CALOOCAN

COMMUNITY MORTGAGE PROGRAM

DEAR SEC

KAILANGAN

MIKE DEFENSOR

MINERVA R

NATIONAL HOME MORTGAGE AND FINANCE CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with