Tuso na parang matsing si Elmer Nepomuceno
February 7, 2003 | 12:00am
MINSAN na palang nag-away dahil sa pera si jueteng genius Elmer Nepumuceno at ang benefactor niya na si Supt. Igmedio Racmo Cruz, ang hepe ng Task Force Scorpion ng CIDG. Pero siyempre pa dahil sa sobrang dunong ni Nepomuceno, nagawan niya ng paraan na manumbalik ang tiwala ni Racmo at hetot sa ngayon kapwa nakangiti na sila dahil limpak-limpak na salapi ang umaakyat sa bulsa nila. Paano ka naman hindi magiging milyonaryo kapag kasama mo si Nepomuceno eh sosyong laway ka lang sa operation ng jueteng lord na sina Eddie Caro at Nora de Leon.
Si Caro ay nag-ooperate sa Jala-jala at Bagumbong sa Rizal samantalang si Nora naman ay sa Laguna at sa ilang bayan ng Batangas.
Kung bakit hindi kumikibo si Chief Supt. Ike Galang, ang hepe ng Region 4 sa operation nina Caro at Nora eh hindi ko alam. Baka naman napuno na rin ang bulsa niya tulad nina Racmo at Nepomuceno, di ba mga suki? Sigurado akong alam yan ni Maj. Nieves ang bagman o kolektor ni Galang, anang mga pulis na nakausap ko.
Ayon sa sulat na tinanggap ko, nag-away sina Racmo at Nepomuceno nang naubos ang naiipong pera ng una dahil sa jueteng at sabong. Si Nepomuceno kasi ang nagturo kay Racmo ng sugal na sabong at hinikayat pa niya itong magbangka sa jueteng sa Rizal, Mindoro at Laguna. Gumamit din sila ng dummy sa kanilang operation sa Muntinlupa, Parañaque at Las Piñas. Pero sa kasamaang palad natalo ng milyon si Racmo at sa tingin niya nadaya siya ni Nepomuceno na alam ang pasikut-sikot sa jueteng. Ika nga napalusutan siya. He-he-he! Tusong matsing din pala si Nepomuceno, no mga suki?
Pero dahil nga henyo sa jueteng si Nepomuceno nakuha niyang makapag-ipong muli ng milyon sa pamamagitan ng panghaharas kina Gani Cupcupin at James Bandong na kapatid ni Cavite Gov. Ayong Maliksi. Sina Cupcupin at Bandong kasi ang nagpapatakbo ng jueteng sa Cavite noong kapanahunan ni Racmo bilang striking force ni Chief Supt. Doming Reyes, na pinalitan nga ni Galang. At dahil hawak na niya ang milyon niya, pinatawad ni Racmo si Nepomuceno at hetot nananalasa na naman sila sa mga gambling lords sa buong Luzon. Sino na naman kaya ang mapuwersa nina Racmo at Nepomuceno na sosyohan nila ng laway. He-he-he! Ang gaan palang negosyo itong jueteng para kina Racmo at Nepomuceno, no mga suki?
Ang nakapagtataka lang kung gaano kasigasig sina Racmo at Nepomuceno sa jueteng eh wala naman silang kriminal na nahuhuli man lamang tulad ng kidnapper, carnapper, bank robber, payroll robber o cellphone snatcher? Kahit isang pirasong NPA o rebelde eh wala rin silang natiklo. Ano ba yan? Ang gamit na sasakyan sa ngayon ni Nepomuceno ay isang kulay asul na pick-up. Armado siya ng kalibre .45 pistol pero kanselado na sa ngayon ang permit to carry firearms. Kung pagtutuunan ng pansin ang sulat na natanggap ko, mukhang may alam ang may akda nito na CIDG operative rin sa history ni Nepomuceno? Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended