^

PSN Opinyon

Itigil na ang pagbabayad sa Christian Dreamhomes Association

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Dear Sec. Mike Defensor,

Nabasa ko sa kolum n’yo dito sa Pilipino Star NGAYON ang tungkol sa Community Mortgage Program (CMP) ng National Home Mortgage and Finance Corporation (NHMFC).

Ako po ay member ng Christian Dream Home Association Inc. Halos tatlong taon na po kaming nagbayad ngunit hanggang ngayon ay wala pang nagyayari sa amin. Marami po kaming mga miyembro ng association at kami ay nagbayad na.

Sana po ay mabasa ng iba kong kasamahan at biktima ng association na ito ang inyong kasagutan. Sa ngayon ang opisina nila sa Cabuyao, Laguna ay sarado na at sa Calamba naman ang operation nila. – Ernesto G. Aquino


Ayon sa records ng NHMFC, may CMP project ang Christian Dreamhomes Association ngunit ito ay para lamang sa Christian Dreamhomes Phase I hanggang III sa Tanza, Cavite. Ang originator ay ang Heavenly Homes Foundation, Inc. Sa pinadala ninyong kopya ng mga resibo ay mukhang may operasyon na rin ang Foundation na ito sa Laguna at ang proyekto ay para sa Christian Dreamhomes V. Sa kasalukuyan, walang aplikasyon sa NHMFC para sa CMP ng Phase V sa Laguna at wala ring mga dokumentong isinumite ang originator para sa proyektong ito. Sa katunayan, hindi maganda ang record ng Christian Dreamhomes Association Inc. dahil sa mababang koleksiyon para sa Phases I-III.

Ipinapayo ko na itigil na ninyo ang pagbabayad sa kanila at magtungo kayo sa tanggapan nila upang bawiin at humingi ng pagpapaliwanag kung saan nila ginamit ang inyong mga ibinayad. – Sec. Mike Defensor

COMMUNITY MORTGAGE PROGRAM

DEAR SEC

DREAM HOME ASSOCIATION INC

DREAMHOMES ASSOCIATION

DREAMHOMES ASSOCIATION INC

DREAMHOMES PHASE I

DREAMHOMES V

ERNESTO G

HEAVENLY HOMES FOUNDATION

MIKE DEFENSOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with