^

PSN Opinyon

Impormasyon sa Pabahay nasa Internet

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Dear Sec. Mike Defensor,

Ako po ay isang college student. Sa semestreng ito ay kailangan kong gumawa ng isang term paper sa isa sa aking mga subjects, gusto ko sanang gumawa ng pag-aaral sa programang pabahay ng gobyerno.

Ang aking problema ay magiging magastos kung luluwas pa ako papuntang Manila upang makakuha ng mga impormasyon sa pabahay. Papaano kaya ako makakakuha ng mga kailangan kong mga impormasyon gaya ng iba’t ibang programa sa pabahay, mga ahensiya ng gobyernong may kinalaman sa housing, ang kabuuang pangangailangan sa pabahay, ang housing backlog at mga patakaran ng gobyerno ukol sa pabahay?

Sana ay matulungan n’yo ako sa problema. Maraming salamat. — Airene Santa Maria, Iloilo


Meron akong magandang balita para sa mga estudyante kagaya mo na gustong mag-research tungkol sa Pabahay. Ang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) ay may webpage na — hudcc.gov.ph. Dito mo makikita ang mga impormasyong hinahanap mo gaya ng lahat ng ahensiyang may kinalaman sa pabahay gaya ng National Housing Authority, National Home Mortgage and Finance Corporation, Home Development Mutual Fund, Home Guaranty Corporation and Housing and Land Use Regulatory Board.

Makikita rin sa homepage ang mga housing legislations o mga batas na may kaugnayan sa pabahay, ang mga datos gaya ng housing need projection at housing backlog, mga programa at direksiyon sa pabahay. Mababasa rin dito ang mga proseso at kailangan upang makapag-apply ng housing loan para sa mga GSIS, SSS at Pag-IBIG member.

Maging ng listahan ng aming mga proyekto ay makikita rin.

Kung sakaling may katanungan o karagdagang pangangailangan ka ay maaari ring magtungo sa mga regional offices ng mga ahensiyang nabanggit diyan sa Iloilo, makakakuha ka ng mga primers at brochures sa aming mga programa at maaari mo ring kapanayamin ang mga regional officials.

Salamat at sana ay maging matagumpay ang iyong pagsusulat tungkol sa pabahay. — Sec. Mike Defensor

AIRENE SANTA MARIA

ANG HOUSING AND URBAN DEVELOPMENT COORDINATING COUNCIL

DEAR SEC

HOME DEVELOPMENT MUTUAL FUND

HOME GUARANTY CORPORATION AND HOUSING AND LAND USE REGULATORY BOARD

HOUSING

ILOILO

MIKE DEFENSOR

PABAHAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with