Magandang epekto ng 'beyblade'
February 2, 2003 | 12:00am
ANG paglalaro ng beyblade ang isang paborito at pinagkakaabalahan ngayon ng mga kabataan. Ang laruang ito ay sasabihing inspired ng trumpo na isa sa mga pinakamatandang laruan ng mga Pilipino. Ang trumpo ay may pako kaya dilekadong paglaruan lalo na ang mga paslit.
Ang paglaganap ng beyblade ay halaw sa isang popular na animated TV show ng Japan. Ang naturang TV show ay gustung-gustong panoorin ng mga bata. Gamit ng mga cartoon characters na animoy mga super heroes sa kanilang pakikipaglaban ang beyblades.
Dati ay limitado lang ang pagbenta ng beyblade pero ngayon ay nagkalat na ito maging sa mga bangketa. Ipinagbibili sa halagang P50 at P35.
Hindi lang mga bata ang nahuhumaling sa beyblade. Maging sina kuya at ate, daddy at lolo ay naglalaro na rin ng beyblade. Sa nakausap kong si Bong De Guzman, sa paglalaro ng beyblade ay tumatalas ang isip ng kanyang anak. Nalaman na ng bata ang pagtanggap ng pagkatalo at panalo.
Sinabi naman ng kakilala kong si Jokey, noong una ay naiinis siya sa mga anak niya na maingay na naglalaro ng beyblade. Pinanood niya ang mga bata at maging siya ay naengganyo na ring maglaro at ngayon ay addict na rin siya sa beyblade.
Ang kapitbahay kong si Imelda ay pinayagan nang magbeyblade ang anak na si Daniel matapos ihanda ang assignment.
Mas lalong naging matibay ang bonding ng kaibigan kong si Egay sa kanyang anak dahil sa beyblade. Dati rati ay hindi nagkakaroon ng oras si Egay na makipaglaro sa anak dahil sa kanyang trabaho. Sa paglalaro ng beyblade ay nagkaroon ng quality time ang mag-ama.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
June 21, 2026 - 12:00am