^

PSN Opinyon

1.4 million OFWs nanganganib, US$7-B masasayang (part 2)

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
BINABATI ng mga kuwago ng ORA MISMO si Dr. Renato Umali Solidum Jr., ng Odiongan, Romblon, kasi ito ang hinirang ng Malacañang bilang bagong hari sa Phivolcs kapalit ng nagretirong si Dr. Raymundo Punongbayan. Mabuhay ka, Sir!

Alam n’yo bang mahigit sa isang buwan ginalugad ni Hans Bricks ang Iraq para maghanap ng sinasabing smoking gun o weapons of mass destruction pero wala silang makita ng mga alipores na kasamahan nito.

Wala talagang makikitang weapons of mass destruction ang grupo ni Bricks porke mula pa noong 1991 hanggang 1998 matapos lusubin ng collision ng 36 countries sa pangunguna ng US of A ang Iraq ay merong team of inspectors na namalagi sa country ni Saddam sa pangunguna ni Richard Butier, isang Australian diplomat technical inspector.

Sabi ni Scott Ritter, sa loob ng walong taong pamamalagi sa lugar ni Saddam ay nakita nila ang dapat makita, sinira nila at dinurog ang lahat ng uri ng kagamitan pang-giyera kasama rito ang lahat ng factories at equipments na pinagdududahan na weapons of mass destruction.

Kaya sa alam ng grupong nagtungo sa place ni Saddam hindi na sila puwede pang mamerwisyo sa ibang bansa. Ayon pa kay Ritter, Iraq is 95 percent disarmed.

Ang tunay na intensiyon ng US sa Iraq ay ang langis porke ang bansang ito ay nangunguna kundi ay second largest oil deposit sa buong mundo at sinasabing mas malaki pa sa Saudi Arabia.

Alam natin na ang langis ay vital resources ng industrial world.

Umaalma ang US at Britain laban kay Saddam dahil kontra bulate nila ang huli porke si Hussein ay number one critics laban sa imperyalismong bansa tulad ng Britain na dating colonial masters ng mga Iraqi.

Kaya dapat hinay-hinay si Prez GMA sa pagbibitaw ng unconditional statement of support sa US sa kanilang balak na digmaan sa Iraq porke hindi birong OFWs ang malalagay sa balag ng alanganin kapag nagkataon bukod pa sa mawawalang US$7 billion remittances yearly na napapakinabangan para sa ekonomiya ng Pilipinas.

Dapat isang libong beses pag-isipan ni Prez GMA na wala siyang alternatibo kung palalayasin ang 1.4 million OFWs sa Middle East porke kapag sumabog ang digmaan sa Iraq tiyak ng mga kuwago ng ORA MISMO na magkakampi-kampi ang mga Muslim countries para ipagtanggol ang kanilang kapatid sa anumang sakunang maaaring mangyari.

‘‘Giyera ba ang solusyon sa Iraq?’’ tanong ng kuwagong sepulturero.

‘‘Palagay ko hindi porke lumiwanag na sa mga leaders ng halos buong mundo na hindi war ang solusyon sa Iraq,’’ sagot ng kuwagong martir na pari.

‘‘Siguro panahon na rin para mag-isip-isip si Prez GMA na huwag nitong gaanong suportahan ang war on Iraq kundi ituon na lamang nito sa war on terrorism ang kanyang mga pahayag,’’ rekomendasyon ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Buti sila puro dada kasi may mga panggastos sila paano ang masa na nagkukumahog sa isang kahig isang tuka?’’

"Iyan ang dapat malaman ng mga bright people sa Palasyo, ang bulungan si Prez GMA na huwag ng makialam sa war on Iraq tutal hindi na naman siya tatakbo sa 2004 Presidential elections.’’

‘Zipper ang kailangan para sa kanila?’’

‘Bakit zipper?’’

‘Para matikom ang kanilang mga bibig.’’

‘Korek ka d’yan, kamote.’’

ALAM

DR. RAYMUNDO PUNONGBAYAN

DR. RENATO UMALI SOLIDUM JR.

HANS BRICKS

IRAQ

KAYA

MIDDLE EAST

RICHARD BUTIER

SADDAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with