^

PSN Opinyon

Naglolokohan ba ang CPP at gobyerno?

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
ISA sa mga tinik ng pamahalaan ay ang New People’s Army (NPA). Kahit kakarampot ang mga miyembro ay nakapupuwing pa rin at ang pamahalaan ay kakapa-kapa sa paghanap ng solusyon kung paano sila magbabalik-loob.

Hindi lamang sa Arroyo administration naging mainit na ihain sa Communist Party of the Philippines (CPP) ang usaping pangkapayapaan. Maski ang mga nagdaang administrasyon ay naghain ng pakikipag-usap. Ilang ulit nang nagsadya ng personal ang mga miyembro ng Peace Process ng Arroyo administration sa pangunguna ni Sec. Eduardo Ermita upang kausapin nang masinsinan si Jose Ma. Sison (Joma) sa Netherlands.

Tuwing nagaganap ang mga usapan, para bang makakamtan na ang kasunduan ng kapayapaan. Subalit, gulo pa rin ang inihahasik ng NPA kahit na may nagaganap na usapan sa pagitan ni Joma at ng gobyerno. May mga nagtatanong tuloy kung seryoso nga kaya sina Joma upang makipag-ayos sa ating pamahalaan.

Napatay noong Huwebes si Romulo Kintanar, dating pinuno ng NPA. Kamakalawa ay nagpahayag si Ka Roger Rosal, spokesperson ng NPA na sila ang may kagagawan sa pagpatay kay Kintanar.

Marami ang nagtatanong kung naglolokohan lamang ang grupo ng CPP-NPA at ang gobyerno? Bakit bumabanat pa rin ang NPA kahit na nakikipag-usap sa gobyerno? Dapat ay may mangyayari nang positibo upang mahinto na ang paghahasik ng NPA. Wala nang panahon upang magpaudlot-udlot ang pamahalaan. Papaano uunlad ang bansa kung mayroon pang karahasang nagaganap dulot ng isang maliit na pangkat lamang?

BAKIT

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

EDUARDO ERMITA

JOMA

JOSE MA

KA ROGER ROSAL

NEW PEOPLE

NPA

PEACE PROCESS

ROMULO KINTANAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with