^

PSN Opinyon

Hamon sa mga bastos na collection agencies!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
NANANAWAGAN ang kolum na ito sa mga nakaranas ng pambabastos, panggigipit at pananakot ng credit card collection agencies. Makipagtulungan kayo sa amin!

Bukas ang aming tanggapan para sa inyo. Makikita n’yo ang uri ng aksyon na aming isasagawa. Ang mga ito’y maisasakatuparan namin kapag kayo’y lumapit agad sa amin.

Kapag ang isang tao ay napabilang sa listahan ng mga "delinquent creditors" na hawak na ng collection agencies, maaaring siya’y minalas lang. Tulad halimbawa ng aking mga nabanggit noong naunang serye.

Ang mga dahilan ay maaaring nawalan siya ng trabaho, nagkasakit ang isang miyembro ng pamilya o di naman kaya namatayan, o paghihiwalay ng mag-asawa.

Maliban sa mga nabanggit na dahilan, maituturing na IRESPONSABLE o "dead beat creditor" ‘yung taong may utang na ang gustong mangyari ay "forgive and forget" na lang pagdating sa bayaran.
* * *
Hindi katulad sa bansang Estados Unidos, may takdang oras ang pangongolekta sa pamamagitan ng telepono. Puwede lamang silang tumawag mula 9:00 ng umaga hanggang 9:00 ng gabi.

Kapag tumawag sila nang wala sa takdang oras, ito’y paglabag na sa batas. Protektado ang karapatan ng sinumang may pagkakautang. Kaya ang pangongolekta ay may oras lamang.

Hindi na puwedeng tumawag ang kolektor matapos nitong makausap na ang may utang nung araw ding ‘yun. Lalo na’t kapag nasabi na ng kolektor ang susunod na hakbang ng collection agencies.

May mga patakarang sinusunod ang mga kolektor sa bansang Amerika. Panahon nang dapat mabigyan ito ng pansin sa ating bansa, partikular ng ating mga mambabatas.

Naniniwala ang kolum na ito na malaki ang magagawa ng aming aksiyon sa kapakanan ng mga pobreng walang matakbuhan.

Makakabangga namin dito ang mga sinasandalang law offices "kuno" na ipinagmamalaki ng collection agencies.

Wala kaming pakialam kung sinong Hestas, Hudas, Barabas na mga abogado ang kanilang ipinangangalandakan. Hindi kami magdedeklara ng "giyera" kung hindi namin alam ang kahihinatnan ng labanang ito.

Gusto namin subukan ang galing ng kanilang "de-kampanilyang abogado" na kung susuriin ay eksperto lamang pagdating sa "notaryong publiko".

Ang gusto naming makita ay ‘yung higanteng lehitimong law offices, na pumapatol sa mga kasong "delinquent accounts for collections"? Ito ang hamon namin sa mga bastos na collection agencies.

Tutuntunin namin ang inyong mga "lungga". Gusto naming makita at marinig kung papaano ninyo isinasagawa ang inyong mga pambabastos at pananakot sa inyong kinokolektahan.

Humanda na kayo!

AMERIKA

BARABAS

BUKAS

ESTADOS UNIDOS

HESTAS

HUDAS

KAPAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with