Mukhang si Velasco ng NCRPO ang papalit kay Ebdane
January 24, 2003 | 12:00am
MAKUWELA pala si PNP chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Jr. Ang seryosong 12th founding anniversary ng NCRPO ay nauwi sa palakpakan at halakhakan dahil nga sa kakuwelahan ni Ebdane. Kung titingnan kasi si Ebdane ay mukhang seryoso at mahirap lapitan.
Kung sabagay, hindi lang si Ebdane ang nagpatawa sa mga pulis at bisita na dumalo sa anibersaryo ng NCRPO noong Martes. Maging ang hepe ng NCRPO na si Dep. Dir. Gen. Reynaldo Velasco ay nagpatawa rin nang sabihin niyang susundan niya ang mga yapak ni Ebdane hanggang sa pagka-PNP chief na sinalubong ng masigabong palakpakan. Sumagot din sa kanyang talumpati si Ebdane na gusto niyang makitang PNP chief din si Velasco sa darating na mga araw.
Pero hindi roon nag-umpisa ang kakuwelahan ni Ebdane. Matapos niyang batiin ang mga matataas na opisyales ng PNP at NCRPO na dumalo sa naturang okasyon bigla siyang napatingin sa mga district directors na nandoon. Biglang napatawa nang malakas ang karamihan sa mga dumalo nang biglang ipakilala ni Ebdane ang mga district directors.
Tinawag ni Ebdane ang director ng Eastern Police District na Chief Supt. Rolando de Venecia Sacramento. Alam kasi ng lahat na si Speaker Joe de Venecia ang backer ni Sacramento. Ang sunod na tinawag ay si Chief Supt. Pedro Arroyo Bulaong, ang hepe ng Western Police District. Si Bulaong ay dati namang close aide ni President Arroyo. Ang hepe naman ng Central Police District ang tinawag ni Ebdane na Sr. Supt. Napoleon Manalo Castro. Hindi naman kasi kaila sa lahat na si Castro ay protege ni Ka Erdy Manalo ng Iglesia ni Cristo.
Hindi rin nakaligtas ang hepe ng Northern Police District na si Sen. Marcelino Velasco Franco, Jr., na bata naman umano ni NCRPO chief Velasco. He-he-he! Samut sari ang mga padrino nila no, mga suki? Ang tanong lang, nagtatrabaho ba sila?
Ang akala ni Ebdane ay ligtas na siya. Nagkamali siya nang ipakilala naman niya si Chief Supt. Servando Hizon, ang hepe ng Special Action Force (SAF) ng PNP. Parang may nakalimutan, lumingon si Ebdane kay Hizon sabay tanong sa kanya kung ano ang middle name niya. Walang paliguy-ligoy naman na sinagot siya ni Hizon na Ebdane Sir na sinalubong na rin ng masigabong na palakpakan ng audience. Ang nakaligtas lang sa kantiyaw ni Ebdane ay si Chief Supt. Jose Gutierrez ng SPD na inisnab ang NCRPO anniversary sa kadahilanang siya lang ang nakakaalam. Ang tanong ko ngayon kay Gen. Ebdane Sir, ano naman ang middle name ni Gen. Gutierrez. I-text mo na lang sa akin Gen. Ebdane Sir ang yong kasagutan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended