Kung mayaman ka, meron kang "allergy." Kung mahirap ka, ang tawag diyan ay "galis" o "kurikong."
Sa mayaman, "nervous breakdown" dahil sa "stress." Sa mahirap, "nasira ang ulo" o "sumayad" o nagka-topak."
Kung mayaman, "eccentric." Kung mahirap, "sinto-sinto."
Sa mayaman, "migraine." Sa mahirap, "nalipasan ng gutom."
Kung maitim ang señorita mo, siya ay "morena." Kung ikaw na atsay ang maitim, "baluga" ka.
Sa mayamang hukot, tawag ay "scoliotic." Sa mahirap, "kuba."
Ang kolehiyalang payat ay "slender." Ang mahirap ay "palito."
Ang well-off na maliit, "petite." Ang mahirap ay "bansot, unano."
Ang socialite na tabain, "pleasingly plump." Ang mahirap, "baboy."
Si señoritang mahilig mag-date, "game." Si mahirap, "pakawala."
Ang matronang malandi ay "liberated." Ang mahirap, "alembong."
Ang mayamang hiwalay sa asaway "single parent." Ang mahirap, "disgrasyada, haliparot, talipandas."
"Health conscious" ang taga-mansion na puro gulay ang kinakain. "Kuneho" ang tawag sa taga-kubo.
Sa exclusive school, "assertive" ang batang sumasagot sa guro. Sa public school, "walanghiya."
Ang mahinang anak-mayaman ay "slow learner." Ang mahirap ay "gunggong, pulpol."
Ang mayamang malakas kumain ay may "good appetite." Ang mahirap ay "patay-gutom, masiba."
Ang mayamang palaboy ay "dreamer." Ang mahirap, "istambay."
Ang tycoon na tumatanda ay "graduating gracefully into senior citizenhood." Ang mahirap ay "gumugurang."
Kung nagko-computer games ang boss sa opisina "its okay." Kung empleyado, "bulakbolero."
Sa mayaman, "grey hair." Sa mahirap, "uban."