^

PSN Opinyon

Dr. Emmanuel Ramos, ng Philvocs may problema

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
ISA si Dr. Emmanuel Ramos, yawba raw ni DOLE Secretary Patricia Sto. Tomas, sa tatlong taong pinagpipilian ng Palasyo para pumalit sa kahariang iniwanan ni Raymundo S. Punongbayan na nagretiro noong December 2002.

Pero mukhang malaki ang problema ni Ramos kasi may nasilip na may kaso ito sa Ombudsman.

Noong 1995, may research project ang National Research Council of the Philippines, ang research grant ay P432,600 daw ang halaga. Tinawag ang proyekto ng ‘‘A Multi disciplinary Study of Flooding in Metro-Manila with emphasis on the San Juan River System" pero ang project ay hindi nag-materialized.

Ang malaking question ay walang liquidation daw si Ramos sa nasabing proyekto. Ang case ay iniimbestigahan ng Fact Finding and Intelligence Bureau, ng Office of the Ombudsman.

Hindi pa tapos ang problem ni Ramos, nabuko ang kanyang secret work kasi naging paid consultant pala ito ng Geospehere, Inc. Ang masama ay dehins lam-a ng bossing sa Phivolcs ito porke walang letter of authority na inisyu kay Ramos.

Ika nga pumupuslit daw ito para gampanan ang kanyang second job?

Siyempre dahil secret ang kanyang second job hindi ito nakadeklara sa kanyang Statement of Asset, Liabilities and Networth (SALN)?

Hanggang ngayon ay wala pang tinatalagang kapalit si Punongbayan sa Phivolcs, sa hindi malamang dahilan.

Pero noong Nov. 2002, mismong si DOST Sec. Alabastro, ay may napisil para ipalit sa kahariang iniwan ni Punongbayan at tiyak ng mga kuwago ng ORA MISMO hindi si Ramos ang inirekomenda. Kaya lang mukhang nagkakaroon ng pressure sa Palasyo porke ayaw yata nilang paupuin ang rekomendasyon ni Alabastro.

Ang NDCC, sa impormasyon ng mga kuwago ng ORA MISMO ay may mungkahi at nagsabing kung sino ang kuwalipikado sa Phivolcs at may ibubuga sa posisyong iniwan ni Punongbayan ang siyang dapat maging hari ng mga hari.

‘‘Baka kaya wala pang pinipili ang Malacañang ay naghihintay ito ng lindol?’’ anang kuwagong tirador ng manok sa Tondo.

‘‘Tahimik kasi sa Pilipinas wala peligrong darating kaya patay mali ang Malacañang sa pagpili ng magiging bossing sa PHIVOLCS porke may minamanok sila,’’ sabi ng kuwagong Kotong Cop.

‘‘Hindi puwedeng bopol ang iuupo sa Phivolcs sensitibong puwesto ito at hindi biro" anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Hayaan mo kung sino ang mamanukin ng Malacañang para kung pumalpak, sila ang masisisi.’’

‘‘Naku hindi pupuwede buhay ng mga kapatid natin ang nakasalalay dito.’’

‘‘Ganyan talaga ang mga kamote.’’

‘‘Basta may manok sila tiyak isusulong nila.’’

‘‘Ang problema ay puro sisiw ang minamanok nila.’’

‘‘Diyan korek ka lagapot’’.

A MULTI

ALABASTRO

DR. EMMANUEL RAMOS

FACT FINDING AND INTELLIGENCE BUREAU

MALACA

PHIVOLCS

PUNONGBAYAN

RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with