^

PSN Opinyon

Plunder para kay BOC Fajardo

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
HINDI biro ang naging tsapit ni Ernesto "Ernie" Fajardo, cashier sa Bureau of Customs sa isang bodega sa NAIA, kung totoo man ang mga akusasyon sa kanya porke P53 million pala ang nakulimbat nito sa loob lamang ng dalawang taon. Hanep! Big-time ang kamote.

Kilala ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Fajardo na naging overacting sa istilo ng kanyang pamumuhay mula ng magka-tsapit ito?

Mula sa kanyang paboritong sports na tennis ay lumundag ito papunta sa larong golf. Alam naman ng mga kuwago ng ORA MISMO, na hindi biro ang green fee sa nasabing bisyo porke hindi bababa ng P1,000 ang isang play kumporme ito sa lugar ng paglalaruan puwera pa ang bayad sa caddy, umbrella girl, at tsibog.

Bumulusok paitaas ang suwerte ni Fajardo nang mag-usap-usap ang mga tsismosong Customs sa NAIA. Nand’yan ang malungkot dahil sa pangyayari at nand’yan naman ang nagpapalakpakan porke natimbog ang matagal na nilang kinaiinggitan.

Siopao ito este mali naging showy kasi itong si Fajardo sa kanyang mga constituent porke madalas naka-display ang kanyang mamahalin at magagarang kagamitan. Nakabandera ang mala-kadenang barkong bracelet na kumikinang na may mga kasamang malalanding brilyante ga-bato halos makuba daw ito sa bigat ng kanyang necklace at ang umano’y daan libong halagang Rolex watch? Isa lamang itong pangkaraniwang empleado ng Customs?

For info, hindi naiinggit ang mga kuwago sa naging suwerte ni Fajardo pero hinulog siya ng kanyang mga katoto kaya para siyang binuhusan ng kumukulong ebak este mali putik pala.

Bubusisiin pala ng tanggapan ng OMBUDSMAN, ang anomalyang nangyari sa bureau porke hindi sila naniniwala na si Fajardo lamang ang gumagawa ng ganito?

"Sayang nabuko ang operasyon?" anang kuwagong Kotong cop.

"Maraming sasabit kahit na mga dating opisyal dito lalo’t iyong mga nagretiro oras na magturo si Fajardo?" sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Bakit ngayon lamang natuklasan ito samantalang matagal nang may mga nangyayaring anomalya sa bureau?"

"Marami raw ang nabukulan kaya may kumanta?"

"Siguradong maraming makakalawit ang Ombudsman kapag nag-imbestiga ito ng malaliman."

"Dyan sa palagay ko tumpak ka, kamote."

ALAM

BAKIT

BUBUSISIIN

BUMULUSOK

BUREAU OF CUSTOMS

CRAME

FAJARDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with