"Agad pinasakay ni Jesus sa bangka ang kanyang mga alagad at pinauna sa Betsaida, sa kabilang ibayo ng lawa, samantalang pinauuwi niya ang mga tao. Pagkaalis nila, siyay umahon sa burol upang manalangin. Sumapit ang gabi. Nasa laot na noon ang bangka, samantalang si Jesus ay nag-iisa sa katihan.
Nakita niyang nahihirapan sa pagsagwan ang kanyang mga alagad, sapagkat pasalungat sila sa hangin. At nang madaling-araw, sumunod sa kanila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Lalampasan niya sana sila, ngunit nakita ng mga alagad na siyay lumalakad sa ibabaw ng tubig, kayat napasigaw sila. Ang akala nilay multo, at kinilabutan silang lahat.
Ngunit agad niyang sinabi sa kanila, Huwag kayong matakot, si Jesus ito! Lakasan ninyo ang inyong loob! Sumakay siya sa bangka, at tumigil ang hangin. Silay lubhang nanggilalas, sapagkat hindi nila nauunawaan ang nangyari sa tinapay; hindi pa ito abot ng kanilang isip."
Mahalaga para sa atin na kapag tayoy nahaharap sa isang problema, dapat nating pakinggan ang mga salita ni Jesus: "Si Jesus ito. Huwag kayong matakot." Dapat nating matutunang makita ang presensiya ni Jesus sa gitna ng mga bumabagabag sa atin. Ginagamit ng Diyos ang ating mga problema, dalahin at mga bumabagabag sa atin upang mabigyan tayo ng pagkakataon na makilala si Jesus sa gitna ng ating pagkalito. "Si Jesus ito," sabi niya. "Huwag kayong matakot."
Tayoy mga tao na humaharap sa lahat ng uri ng kahirapan at kagipitan. Dapat nating makilala ang presensiya ni Jesus sa bawat okasyon. Sa ganitong paraan tayo lalago sa ating pagkakakilala kay Jesus. Siyay magiging bahagi ng ating buhay.