^

PSN Opinyon

Nataranta ang oposisyon

- Al G. Pedroche -
NASORPRESA ang lahat sa ginawang deklarasyon ni Presidente Arroyo na hindi na siya tatakbo sa 2004 Presidential elections.

Nataranta ang oposisyon. Dapat silang magbago ng political strategy. Baka yung mga ambisyosong politiko, maging sa ruling party o oposisyon ay maglabu-labo na sa pagtakbo sa panguluhan. Sona libre kumbaga.

Tama ang ginawa ng Pangulo. Ngunit sa mata ng kanyang mga kritiko’y pinagdududahan pa rin siya. Kesyo gusto lang pabanguhin ang "bumahong" pangalan para sa dakong huli’y humirit pa rin sa karerang pampanguluhan.

Sabi naman ng iba, hindi siya tatakbo dahil "walang eleksyon." Tsk, tsk... talagang wala nang ginawang wasto si Mrs. Arroyo! Para sa ’kin, dapat nating pagtiwalaan ang kanyang salita.

Sobra na talaga ang pulitika. Nakagapos ang kamay ng Pangulo. Kung gagawa siya ng maganda, babatikusin siya. Sasabihing "pagpapaganda" para tiyakin ang panalo sa 2004 . Kung walang gagawin, batikos din ang ipupukol sa kanya.

Between now and the elections next year,
magpakitang gilas na ang mga ambisyosong pulitiko. Hindi sa pamamagitan ng siraan kundi sa pamamagitan ng mga gawaing makabubuti sa taumbayan.

Marahil nama’y maayos nang maisusulong ng Pangulo ang mga programa niya nang hindi pinagdududahan ang motibo. Kung sino man sa ibang political officials ang pumupuntirya sa panguluhan, suportahan na si GMA. Enough of the inane and counterproductive political bickerings.

Sa bigat ng mga problema, hindi lamang ng Pilipinas kundi ng buong mundo, ipamalas ang pagmamalasakit. Magtulungan imbes na magsiraan. Period.

DAPAT

KESYO

MAGTULUNGAN

MARAHIL

MRS. ARROYO

NAKAGAPOS

NATARANTA

PANGULO

PRESIDENTE ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with