^

PSN Opinyon

Ang binyagan sa nayon

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen.Juan M. Flavier -
SI Pareng Tonying ang kauna-unahan kung kumpare sa baryo. Ginamot ko ang kanyang anak na babae na tatlong taong gulang. Nang binyagan, ako ang kinuhang ninong. Ang pagkuha raw ng ninong ay parang pagtingin sa kinabukasan ng bata. Kaya ako ang kinuha. Sa totoo lamang iyon ang unang pagkakataon na ang aanakin ko ay batang babae. Pawang lalaki ang inaanak ko.

Biglaan ang binyagan sabi ni Pareng Tonying. Lagi raw nagkakasakit ang bata. Hindi rin daw ito madala kung saan-saan upang maiwasan ang masamang hangin at masamang espiritu.

Noon ko nalaman ang mga sistema ng pagbibinyag sa baryo. Ako pala ang dapat bumili ng damit na isusuot ng bata. Kulay rosas pala ang kailangan dahil babae ang aking aanakin. Ako rin ang nagbayad sa simbahan. Ako rin ang nagbayad ng pamasahe papunta at pauwi galing ng simbahan.

At sa dakong huli ang pagbibigay ko ng pakimkim sa bata. Ang pagbibigay ng pakimkim ay upang masimulan ang pag-iipon ng bata.

Marami akong nalaman sa binyagan sa nayon. Doon ay kakaiba. Masaya ang binyagan at higit sa lahat nagkaroon ako ng kumpare’t kumare sa nayon.

AKO

BIGLAAN

GINAMOT

KAYA

KULAY

LAGI

MARAMI

MASAYA

NANG

PARENG TONYING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with