^

PSN Opinyon

Kaso ng BIR employee

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
SI Naty ay assistant ng RDO na itinalaga sa Revenue District Office No. 34. At dahil ang kanyang amo ang revenue district officer ay malapit nang mag-retiro, sumulat ang RDO sa commission ng BIR para imungkahi si Naty sa nasabing posisyon. Gayunman, isang empleyado ang itinalaga ng commissioner upang palitan ang magreretirong RDO.

Sa kabilang banda, nakatanggap si Naty ng Revenue Travel Assignment Order (RTAO) kung saan inilipat siya sa opisina sa Quezon City bilang Assistant Division Chief ng Collective Programs Divisions. Ang order ay nagtakda rin ng 12 direktor ng mga rehiyon, mga assistant ng RDO, at mga technical assistant.

Ang lahat ng empleyadong naapektuhan ng order na ito ay sumunod maliban kay Naty. Sa halip na tanggapin ang paghirang sa kanya, nagsampa siya ng petisyon sa RTC para pigilan ang bagong hirang na assistant ng RDO 34 na pumalit sa kanya. Ayon kay Naty, ang paglilipat daw sa kanya ng Commissioner base sa nasabing order ay isang makapritso, mapangyamot at mapaghiganti sa isang empleyadong umuusisa sa ang mga aksiyon ng commissioner. Higit pa rito, ang RTAO raw ay isang demosyon dahil ang posisyong itinakda sa kanya ay walang pagtatasa at salungat sa kanyang kakayahan bilang assistant ng RDO. Wala rin siyang kaalaman sa serbisyo ng pagkokolekta. Ito ay paglabag sa Executive Order na nagbabawal ng paglilipat ng mga empleyado na magreresulta ng dislokasyon. Tama ba si Naty?

Mali.
Ang RTAO ay hindi naglalayon na si Naty ay balisahin, dahil hindi lamang siya ang naitakda ng nasabing order. Walang demosyon sa ranggo, suweldo, katayuan at responsibilidad ni Naty. May awtoridad ang commissioner na maglipat at magtakda ng mga empleyado ng komisyon kapag kailangan ang kanilang serbisyo. Ang pagtatakda ay may layuning maiwasan ang lubos na pagkakakilanlan at patronasyon sa pagitan ng mga empleyado ng BIR at mga nagbabayad ng buwis sa isang lugar.

Ang mga programa ng gobyerno ay maaapektuhan kung aayunan ang hindi pagsunod ni Naty dahil sa paniniwalang isa itong demosyon pati na ang opinyon ng mga empleyado ng gobyerno. Salungat ito sa prinsipyo na kailangan ang pagtitiwala sa pampublikong tanggapan at hindi para sa personal na benebisyo.

Hindi rin napatunayan ni Naty na mayroon siyang ganap na karapatan sa posisyon bilang assistant ng RDO 34. Kaya, kailangan niyang sundin ang bagong posisyon na itinakda sa kanya. (Chato et. al. Zenarosa et. al. G.R. No. 120539 October 20, 2000).

ASSISTANT

ASSISTANT DIVISION CHIEF

COLLECTIVE PROGRAMS DIVISIONS

EXECUTIVE ORDER

NATY

QUEZON CITY

RDO

REVENUE DISTRICT OFFICE NO

REVENUE TRAVEL ASSIGNMENT ORDER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with