Early Childhood Care: Sagot sa dumaraming bobo
December 16, 2002 | 12:00am
AMININ natin. Dumarami ang mga Pilipinong bobo, at itoy dala ng kahirapan. Hindi lamang dahil sa kawalan ng edukasyon kundi kakulangan sa tamang pagkain.
Sana, maipatupad nang maayos ang Republic Act 8980 o ang Early Childhood Care program. At ang programang itoy puspusan daw sinusuportahan ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo. Katunayan, inatasan ng Pangulo ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na maglaan ng P2 bilyon o P400 milyon taun-taon sa loob ng limang taon para sa pagpapatayo ng mga daycare centers sa mga dahop na lugar. Bahagi ito ng implementasyon ng programa.
At sang-ayon tayo sa Pangulo. Sa pagsilang pa lamang ng sanggol ay dapat na itong hubugin ng wasto sa pamamagitan ng tamang nutrisyon, kasunod ang tamang edukasyon.
Nakakabahala ang resulta ng pag-aaral ng World Bank. Pitong porsyento raw ng mga Pilipinong may edad na 15 taon pataas ay hindi marunong bumasa at sumulat. Higit naman sa 38 porsyento ang mga estudyante sa elementarya ang tumitigil ng pag-aaral bago makarating sa grade 6 samantalang 54 porsyento ang hindi nakapagtatapos ng high school!
Mabigat na problema ito dahil pera ang kailangan lalu pat namumroblema ang pamahalaan kung saan kukuha ng dagdag na revenue para sa kabang-bayan. Buti na lang at malaking pondo ang naibubuhos ng PAGCOR sa ganitong programa na ang nakataya ay ang kinabukasan ng bansa.
Isipin na lang na kung hindi maaagapan ang problemang ito, baka dumating ang panahon na puro bobo na ang mga Pilipinong naninirahan sa bansang ito. Ayaw nating mangyari iyan.
Dapat ding sawatain ang problema sa droga na hindi lamang mayayaman kundi mahihirap na bata at matanda ang binibiktima. Kahit mga batang lansangan na nagpapalimos sa daan ay makikitang sumisinghot ng rugby, marahil para makalimutan ang kumakalam nilang tiyan. Isa pa iyang dahilan kung bakit marami ang nasisiraan ng bait pagdating ng araw dahil niluluto ng rugby ang kanilang mga utak.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am