^

PSN Opinyon

Gustong magpatayo ng bahay

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Dear Sec. Mike Defensor,

Ako ay 39 anyos, may-asawa at dalawang anak at karaniwang empleyado ng gobyerno. Sa kasalukuyan, nangungupahan lamang kami ngunit binabalak naming magpatayo ng sariling bahay. May lupa akong namana sa aking mga magulang at pinapangarap naming magkaroon ng sariling tahanang pag-aari namin. Maaari ba akong umutang sa Pag-IBIG para pampatayo ng bahay?

Magkano kaya ang puwede kong mautang at ang interes into? Miyembro ako ng Pag-IBIG at sana ay malasap ko ang benepisyo ng pondo. Maraming salamat. –Ricardo Manuel


Kung ikaw ay miyembro ng Pag-IBIG at nakapag-bayad ng 24 na buwanang kontribusyon, maaari kang umutang sa Pag-IBIG Housing Loan Program. Ang housing loan ay maaaring gamitin sa pagpapatayo ng bahay gaya sa kaso mo.

Kinakailangan na wala kang outstanding Pag-IBIG housing loan, bilang prinsipal o co-borrower. Ang halaga ng mauutang ay nakabase sa pangangailangan ng miyembro, ang inyong loan entitlement (na nakadepende sa iyong personal na kontribusyon, counterpart ng iyong employer at ang kakayahan mong magbayad) at loan-to-collateral ratio.

Ang interes na iyong babayaran ay depende sa halaga ng inyong utang, ngunit ito ay mula 6% hanggang 12% bawat taon. Ang iyong housing loan ay maaaring bayaran hanggang 20 o 30 taon depende sa halaga nito.

Para sa karagdagang detalye gaya ng kuwalipikasyon ng miyembrong maaaring mangutang, proseso ng application at kinakailangang dokumento, makipag-ugnayan sa pinakamalapit na Pag-IBIG Branch.

DEAR SEC

HOUSING LOAN PROGRAM

IBIG

KINAKAILANGAN

LOAN

MAAARI

MAGKANO

MIKE DEFENSOR

PAG

RICARDO MANUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with