^

PSN Opinyon

Makasaysayang kaganapan sa Subic

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
KAMAKAILAN ay ginanap ang Walk for Global Peace and Unity sa Subic Freeport Zone sa boundary ng Zambales at Bataan. Matapos ang paglalakad ng mga mamamayan sa iba’t ibang sektor, idinaos ang paglulunsad at pasinaya ng Global Garden of Peace kung saan ang dating US Naval Magazine Area ay ginawang world-class Botanical Garden and Technology Center. Ang makasaysayang kaganapang ito ay itinaguyod ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa pamumuno ni Chairman Felicito Payumo; the Millennium Women for Peace and Development Foundation at ang Confederation of Women Network Foundation Inc. (CWNFI) na ang president emeritus ay ang First Lady ng Zambales na si Mrs. Roselyn E. Magsaysay, maybahay ni Gov. Vicente P. Magsaysay.

Ang lumagda ng memorandum of agreement sa pagitan ng SBMA at CWNFI ay sina Chairman Payumo at Roselyn Magsaysay. Sa kanilang mga mensahe, pinahalagahan ang ganda at kalinisan ng kapaligiran at ang mga biyaya buhat sa inang kalikasan. Nagpakawala ng maraming unity balloons at mga kalapati na tinaguriang doves for peace. Pinalakpakan ang mga awitin ng world famous Madrigal singers sa programa na ang emcee ay sina Ms. Pery Felarca Arkoncel at broadcaster Mario Garcia.

Maraming pinasalamatan si Mrs. Magsaysay kabilang na ang socio-civic leader na si Lolita Escobar Mirpuri na nangumbida sa mga foreign dignitaries at piling panauhin. Si Lolita E. Mirpuri ay adviser at nasa steering committee ng CWNFI. Dumalo rin sa makasaysayang kaganapan sa Subic sina Hyun Mo Park, chairman ng Filipino-Korean Cultural Foundation Inc.; Genie Kagawa, president ng All Nations Women’s Group; Malou Alviar, Lali Tolentino, Martha Taylor, Gilda Abinchandani, Nena Navera, architect Oscar del Rosario at dating DENR Sec. Heherson Alvarez.

ALL NATIONS WOMEN

BOTANICAL GARDEN AND TECHNOLOGY CENTER

CHAIRMAN FELICITO PAYUMO

CHAIRMAN PAYUMO

CONFEDERATION OF WOMEN NETWORK FOUNDATION INC

FILIPINO-KOREAN CULTURAL FOUNDATION INC

FIRST LADY

GENIE KAGAWA

GILDA ABINCHANDANI

GLOBAL GARDEN OF PEACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with