^

PSN Opinyon

Ang mga K-9 nina Sr. Supt. Marcelino Franco at SPO4 Bong Padilla

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
KUNG ang kalakaran ang pag-uusapan diyan sa Northern Police District, mukhang ang mga bataan lang ni NPD director Sr. Supt. Marcelino ‘‘Bong’’ Franco Jr., ang masaya. Lahat ay nakasimangot at ang inireklamo nila ay ang grupo ni SPO4 Bong Padilla, ang hepe ng Special Project Section (SPS) na kung tawagin ng mga residente roon ay K-9 section dahil sa sobrang galing nilang mang-amoy. Pero hindi mga kriminal ang inaamoy ng mga bataan ni Franco, mga suki, kundi ang mga pasugalan sa Caloocan City, Valenzuela City at bayan ng Navotas at Malabon.

Kung ang mga residente ang paniniwalaan, walang patawad ang mga K-9 ni Franco. Pati tong-its, saklang-patay, cara y cruz, tatlo’t wala at iba pang mga sugal lupa ay pinapatulan. Wala sana silang reklamo, anang mga residente, kung tinutuluyan lahat ni Padilla ang mga hinuhuli niya eh mukhang pera lang pala ang habol ng mga K-9 niya. Totoo ba na P500 kada ulo ang hinihingi ni Padilla para pakawalan ang mga sugal-lupang naaresto nila? He-he-he! Wala talagang pagbabago ang ating pulisya.

Kahit mga malalaking financier ng pasugalan sa NPD ay inirereklamo rin si Padilla. Akala kasi nila tatahimik na ang kanilang negosyo dahil may lingguhang intelihensiya na sila kay Padilla eh hindi pa pala. Kahit may intelihensiya man, patuloy pa rin sa panghuhuli ang mga K-9 ni Padilla kaya’t hayun, hilong-talilong ang mga financier ng ilegal sa NPD area. ‘Ika nga isinusuka na ng taga-CAMANAVA ang K-9 section ni Franco. At ang masama niyan, mukhang mahal na mahal ni Franco si Padilla. Magkano… este bakit kaya?

Pati pala mga staff officers ng NPD ay naapektuhan din ng mga mababangis na K-9 dahil nawala ang allowance nila. He-he-he! Ano ba ’yan? Mabuti pa raw noong panahon ni Chief Supt. Vidal Querol, ang pinalitan ni Franco, at naaambunan sila, anang mga pulis. Arogante rin at walang respeto sa mga opisyal si Padilla. Kung sabagay, paano matutuwa ang mga hepe ng pulisya roon eh ang gusto ’atang mangyari ni Padilla doble ang intelihensiyang mapupunta sa amo niya sa tinatanggap ng mga ito. Dorobo rin pala si Padilla, ano mga suki? Siguro may pangarap din itong tumama sa lotto o maging milyonaryo?

Pero sa kabila ng mga reklamo laban sa mga K-9 ni Franco, tuloy pa rin ang kalakaran sa NPD. Ang mga operator ng sugal doon ay sina video karera king Boy Recto, at Lindang Negra at Pitong Diaz ng jueteng sa Valenzuela City; Lucy Santos at Lucy Santos ng Caloocan City; Augusto ‘‘Aging’’ Lisan ng Navotas at Ely Mango ng Malabon. Siyempre andiyan din si jueteng king Tony Santos sa buong NPD area.

vuukle comment

BONG PADILLA

BOY RECTO

CALOOCAN CITY

CHIEF SUPT

ELY MANGO

FRANCO

LUCY SANTOS

PADILLA

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with