^

PSN Opinyon

Kasuhan: Salarin sa Piatco deal

SAPOL - Jarius Bondoc -
HAYAN, dineklara mismo ni President Gloria Arroyo na null and void ang kontrata ng Piatco para itayo at patakbuhin ang NAIA-3. Kasunod ito ng parehong pasya ni presidential adviser Gloria Tan Climaco at ni Solicitor General Alfredo Benipayo. Nauna nang nagbabala ang NEDA na di dapat ipatupad ang supplemental agreements ng original at amended contracts dahil maraming isiningit na ilegal na probisyon.

Halos tapos na ng Piatco itayo ang NAIA-3 na 25-taong operating concession. Kaya magdedemanda raw ito. Mahigit $550 milyon na kasi ang nagastos sa construction.

Pero paano itutuloy ang operating concession, e maraming naging himala sa construction? Una, hindi nasunod ang terms ng bidding nu’ng 1997. Sa bidding, Piatco ang bubutas ng tunnel mula NAIA-1 patungong NAIA-3. Sa kontrata, biglang nawala ang planong tunnel. Pinalitan ng access road, pero DPWH ang gagawa. Nadagdagan pa ng kalye mula NAIA-2 papuntang NAIA-3. Gobyerno rin ang nagtustos sa halagang daang-milyong piso. Giniba pa ang bahagi ng Nayong Pilipino.

Matapos pirmahan ang original contract, marami pang binago nu’ng termino ni Erap. Tinanggal ang poder ng gobyerno na i-regulate ang singil sa parking lot, catering, upa sa duty-free shops, at siyam pang pagkikitaan ng Piatco. Isiningit ang proviso na gagarantiyahan ng estado lahat ng utang ng Piatco, miski labag sa B-O-T Law. Hindi sinunod ang building specifications. Tinipid ang fire-sprinkler system at air-con. Tapos, nagtayo ng cargo terminal at shopping mall miski wala sa plano.

Sinasabing maraming kumitang pailalim nu’ng panahon ni FVR at Erap. Natunugan ni Mrs. Arroyo ang ilang appointees na kumubra para baguhin ang provisions. Ngayong pinasya nang ilegal ang deal, dapat tugisin at kasuhan ang mga kawatan. Ipasoli sa kanila ang illegal wealth.

Malapit na ring ideklara ng Senado na ilegal ang Piatco contract. Baka pati ang Korte rin. Kung nagkataon, pati mga congressman na nagpalusot sa kontrata. Halata ring inayos sila.

B-O-T LAW

ERAP

GINIBA

GLORIA TAN CLIMACO

GOBYERNO

MRS. ARROYO

NAYONG PILIPINO

PIATCO

PRESIDENT GLORIA ARROYO

SOLICITOR GENERAL ALFREDO BENIPAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with