^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Hamon sa bagong DENR Secretary

-
MARUMING hangin na unti-unting pumapatay sa mamamayan. Ito ang dapat pagtuunan ng bagong Environment Sec. Elisea Gozun. Hinirang ni President Gloria Macapagal-Arroyo si Gozun bilang kapalit ni Heherzon Alvarez noong Sabado. Si Alvarez ay kakukumpirma lamang noong Agosto at dumaan sa "butas ng karayom". Marami ang nagtaka sa biglang "pagpapatalsik" kay Alvarez. Nakatakdang manungkulan si Gozun sa December 15.

Nasa panganib ang kalusugan ng mamamayan lalo na rito sa Metro Manila dahil sa killer hangin. At kung pagbabatayan ang mga report at survey, ang Maynila ay isa sa mga lungsod sa Southeast Asia na pinaka-marumi ang hangin. Isang grupo ng mga environmentalist ang nagpayo sa mga jogger na huwag nang mag-jogging sa umaga para hindi na makalanghap ng maruming hangin. May ilang buwan na ang nakararaan, maraming estudyante ng exclusive school sa San Juan ang nagdanas ng pagsusuka at pagkahilo na hinihinalang dulot ng may lasong hangin.

Ang panganib sa kalusugan ng maruming hangin ay hindi banyaga kay Gozun sapagkat siya ay presidente ng Concerned Citizens Against Pollution. Alam niya ang masamang epekto ng pollution sa sangkatauhan. Na ang karapatan ng tao na mabuhay sa malinis na mundo ay dapat ipaglaban. Ang pagprotekta at pangangalaga sa kapaligiran ay dapat maging prayoridad ng sinuman. Isang bagay na wala yata sa mga nanungkulang Environment secretary.

Patuloy ang pagkakalbo ng bundok, pagdumi ng dagat at mga ilog, pagkaubos ng mga hayop, at kung anu-ano pang mapaminsala sa kapaligiran. Maraming nagsasalaula sa kalikasan na hindi na pinag-aaksayahang bigyang pansin ng mga namumuno sa DENR.

Ang pag-iimplement ng Clean Air Act ay isa sa mga dapat pagtuunan ng bagong DENR secretary. Sa kabila na ang Clean Air Act ay naging batas pa noong 2000, wala pa ring ngipin sa kasalukuyan. Ang tanging tagumpay ng Clean Air Act ay ang pagbabawal sa gasolinang may lead, liban diyan ay wala na. Maraming kuskos balungos ang tatlong dambuhalang oil companies hinggil sa pagpapatupad ng Clean Air Act. Laging kontra sa batas at sinabing magtataas ang presyo ng gasolina kapag inimplement ang batas.

Nanganganib ang kalusugan at buhay ng mamamayan kapag nagpatuloy ang pananalasa ng maruming hangin. Kung hindi gagawa ng aksiyon ang DENR at iba pang ahensiya ng pamahalaan, nakaharap sa malaking krisis ang bansa dahil sa pagkakasakit at pagkasira ng kapaligiran. Ito ang hamon sa bagong DENR secretary.

CLEAN AIR ACT

CONCERNED CITIZENS AGAINST POLLUTION

ELISEA GOZUN

ENVIRONMENT SEC

GOZUN

HANGIN

HEHERZON ALVAREZ

ISANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with