Pormula ni Gringo vs graft and corruption
November 28, 2002 | 12:00am
ANG akusasyon ni Rep. Mark Jimenez na "kinotongan" siya ni Justice Secretary Nani Perez ng $2 milyon at ang pagtanggi ng huli sa akusasyon ay "giyera" lamang ng mga salita. Ani Perez, rumeresbak lang si Jimenez dahil sa ipinupursigeng extradition case ng DOJ laban sa Kongresista. Its the words of the accuser against that of the accused.
Dapat sanay may seryosong lifestyle check sa mga opisyal ng gobyerno. Kung may mag-akusa laban sa sino man, madali itong pasinungalingan dahil on-record ang resulta ng no-nonsense lifestyle check. Pero sa tingin koy di seryoso ang gobyerno na alamin ang tunay na net worth ng mga opisyal. Para bang itoy empty rhetorics lang ng Pangulo. Tama ang obserbasyon ni Sen. Gregorio Honasan. Mawawalang silbi ang atas ni Presidente Arroyo sa Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) na magsagawa ng lifestyle check sa mga presidential appointees dahil wala itong sapat na tauhan at kapabilidad. Tingin koy wala ring sinseridad. At hindi lang tauhan kundi sapat na pondo at iba pang pangangailangan ang ilaan para maging epektibo ang pagpuksa sa kurakutan sa pamahalaan. Sa tikas ng mga pahayag ni Gringo, presidentiable ang dating niya. Nakikita ang strong political will.
And if I may add to Honasans suggestion, dapat ding bigyan ng partisipasyon ang mga cause oriented NGOs sa imbestigasyon sa pamumuhay ng mga opisyal. In this way, ang pagsisiyasat ay magiging kapanipaniwala. Halimbawa, ang mga miyembro ng NGOs na nasa Hong Kong ay puwedeng magsiyasat sa sinasabing kinikil na $2 milyon ni Perez na idiposito raw sa isang banko roon. Walang kredibilidad kung puro taong gobyerno ang magsasagawa ng lifestyle check. Ang impresyon ay kasabwat din sila ng mga sinisiyasat na opisyal.
Baluktot na katuwiran din na ang nag-aakusa lamang ang dapat magpatunay sa akusasyon, tulad ng sinabi ni Perez sa alegasyon ni Jimenez. Kung talagang malinis ang konsensya ng inaakusahan at mapapatunayan ito, then prove it, by all means!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended