Sec. Lina alam mo ba kung anong ginagawa ng bata mong si Maj. Gabriel?
November 27, 2002 | 12:00am
NGAYON pa lang ay mukhang umaamin na si Interior Secretary Joey Lina na hindi niya mapuksa ang jueteng at iba pang sugal sa bansa sa loob ng isang taon. Kung ang naglalabasang balita nitong nakaraang araw ang gagawing basehan, nagpapahiwatig na si Lina na wala siyang kakayahan na puksain nga ang jueteng. At ang sinisisi niya ay ang maliit na penalty sa jueteng at iba pang illegal. He-he-he! Natiklop ang pagyayabang ni Lina, di ba mga suki?
Kung babasahing maigi ang mga pahayag ni Lina, kaya umano patuloy ang jueteng operation sa bansa ay dahil ayaw kumilos ng Kongreso upang itaas ang penalty sa mga naaresto sa naturang sugal. Naghugas-kamay na si Lina, di ba mga suki? Kung sabagay, si Lina lang ang naniniwala noon na kaya niyang ipatigil ang jueteng sa isang taon. Sa ngayon, napatunayan niyang ang kanyang kampanya ay nauwing isang lonely battle. Nag-iisa na siya.
At hindi na dapat magturo pa si Lina para lang pagtakpan ang kapalpakan ng jueteng campaign niya. Ang dapat niyang sisihin ay andiyan lang sa paligid niya at alam ito ni Atty. Morga, di ba mga suki? Kung ang mga pulis na nakausap ko ang paniniwalaan, maraming ahente ng DILG, lalo na ang taga-Task Force Jericho ang namantikaan na sa ngayon sa nguso kayat hayan ayaw umusad ang jueteng campaign ni Lina, di ba Atty. Morga Sir? May nahuhuli pa ba ang Jericho sa pamumuno ni Supt. Noel Estanislao? Bakit statistics ng PNP at hindi ng Jericho ang gamitin mo Secretary Lina Sir?
At ang isa sa mga tumatabo na bataan ni Lina sa ngayon ay itong si Major Pretty Boy Gabriel. May dumadating na partikular na intelihensiya itong si Gabriel kayat palaging masaya siya. Palagi rin umanong nagpa-firing sa Classmate nightclub sa Quezon Ave. si Gabriel kayat panatag ang loob ng may-ari sa kanya na si Leo Ting. Kung sabagay, kaya ni Gabriel na mag-firing sa Classmate dahil marami naman siyang pambayad, anang mga pulis na nakausap ko.
Sa lingguhang koleksiyon pala ni Gabriel, itong si Tenyente Laygo ang kanyang tinaguriang bagman. Sa Metro Manila, kumukubra sa mga gambling lords si Laygo ng P5,000 kada linggo kay Joe Maranan; Apeng Sy, P3,000; Alex Kalabaw, P5,000; Tom Pulis, P5,000, Andoy dela Cruz, P3,000. Kina Chit Loyola naman ay P1,500; Willie P1,500; Angel Bulag, P2,000; Junel P3,000; Brigitte Taba, P3,000; Danny King, P1,500, at alyas Armin, P4,000. Walang kahirap-hirap pero malaking pera kaagad di ba mga suki?
Dahil sa expose kong ito, dapat kumilos na si Secretary Lina, linisin ang paligid niya bago maging huli ang lahat. Ayaw din naman kasi nating mapugu- tan siya ng ulo dahil sa mga talipandas na mga tauhan niya, di ba mga suki? Pero baka naman alam ni Atty. Morga itong pinaggagawa ng tauhan ni Major Gabriel? Tanong ng mga pulis.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended