^

PSN Opinyon

Hindi inaasahang panganib

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
SI Benito ay inspektor sa Customs. Trabaho niyang lumulan sa mga barko at inspeksyunin ang mga bagahe sa pagdaong at pag-alis nito. Isa sa mga barko na iinspeksyunin niya ang ‘‘M/T King’’ ng SBD shipping na may lulang 750 metro tonelada ng mga kemikal na madaling sumiklab.

Nang dumating ang barko, sumakay na si Benito at nagsimulang mag-inspeksyon habang inililipat ang mga bagahe sa dalawang gabara ng ITT Towage and Transport Corp. Maya-maya pa nakarinig siya ng isang pagsabog. Madaling lumabas si Benito sa barko nang isa pang pagsabog ang kanyang narinig.

Takot na masunog, tumalon na lamang siya sa tubig. Lumangoy si Benito nang halos tatlong oras kahit na matindi ang init ng tubig-dagat dulot ng apoy. Nakaligtas si Benito nang tulungan siya ng mga tao sa baybaying dagat.

Ilang linggo rin si Benito sa ICU ng hospital. Nagtamo siya ng mga sugat na may permanenteng epekto tulad ng pagkasunog ng kanyang mukha at braso, paglanghap ng sunog na kemikal, paglabo ng paningin sa kanang mata, paglantad niya sa mga elemento ng dagat habang nakalutang sa tubig ng halos tatlong oras at matinding sakit ng ulo. Idinemanda ni Benito ang SBD Shipping at ITT, subalit pareho nitong itinanggi ang responsibilidad kay Benito. Sa huli, idinemanda ni Benito ang SBD samantalang sinampahan naman ng huli ang ITT.

Pinaboran ng korte si Benito at pinagbabayad ang SBD para sa aktwal at moral na pinsala at attorneys fees. Dinismis naman ang kaso laban sa ITT. Kinumpirma ng CA ang desisyon.

Kinuwestiyon ng SBD ang desisyon at iginiit na hindi nagmula ang apoy sa kanilang barko bagkus sa gabara ng ITT. Tama ba ang SBD?

Mali.
Responsibilidad ng may-ari ng barko ang pinsalang natural at nagmula sa kanilang kapabayaan sa paglalayag at pangangasiwa nito. Ang pagpapabaya ay lumikha ng di-nararapat na panganib. Hindi naglaan ng pag-iingat at kalistuhan ang SBD sa paghawak ng mga kemikal na madaling magsiklab. Kaya napatunayang nagpabaya ang SBD at mananagot ito sa kwasi-delito.

May tatlong elemento ang kwasi-delito: 1.) Pinsala sa nagreklamo; 2.) kapabayaan ng inireklamo; 3.) Ang koneksiyon ng dahilan at epekto ng kapabayaan ng inirereklamo at pinsalang idinulot sa nagrereklamo. Lahat ng elemento ay napatunayan (Smith Bell etc. Borja et. al. G.R. 143008, June 10, 2002).

BARKO

BENITO

BORJA

DINISMIS

IDINEMANDA

SBD

SMITH BELL

T KING

TOWAGE AND TRANSPORT CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with