^

PSN Opinyon

Trapik

BAGONG SIBOL - BAGONG SIBOL ni Joel S. Mangla -
‘‘ANO ba? Kaya mo pa ba? Baka naman nanlalambot ka na?’’ Makahulugan ang titig ni Mhae sa akin.

Malamig sa loob ng kotse ko pero ramdam ko ang malagkit na pawis sa aking mukha.

Alam kong nag-iinit na si Mhae at gusto niyang ituloy na namin ’to. Subalit nagdadalawang isip ako kung kaya ko nga ba? Tumitig ako kay Mhae. Napadako ang tingin ko sa nakalilis niyang palda at nakabuyangyang na dibdib. Inayos niya ang sarili. Galing kami sa bahay nina Mhae nang oras na iyon. Magtatanan kami.

Pinatakbo ko na ang kotse ko, alas-diyes na ng gabi. Itutuloy namin ang pagtatanan. Hindi ko alam kung bakit pagdating namin sa Coastal Road ay buhol-buhol ang trapik. Sa pagkakataong iyon ay sumagi sa isip ko ang larawan ng aking namatay na ama. Dati siyang government employee. Nagsikap ang aking ama. Nang nakaratay na ito ay nangako ako na pag nakatapos ako ay tutulungan ko ang aking ina.

‘‘Ang bagal talaga ng takbo ng kotse ng tatay mo, dapat itinakas na lang natin ‘yung kotse ni Daddy!’’ sabi ni Mhae.

‘‘Gusto mo ba na lalo tayong pag-initan nun?’’ Simple lang ang sagot ko. Napansin ko sa labas ang batang babae na kumakatok sa bintana ng salamin. Nagtitinda ng basahan. Siya rin ang batang nagtitinda kaninang umaga, naisip ko na kanina pa siya sa kalye, hinahabol ang mga sasakyan para bentahan ng basahan. Nakita ko rin ang batang nagtitinda ng mani at mineral water. Naisip ko na sa mura nilang edad at kailangan na nilang magtrabaho.

‘‘Ang sabihin mo e duwag ka! At saka nasa States ang mommy at daddy ko! Inaayos na nila ’yung divorce nila roon! At saka wala akong planong sumama sa isa man sa kanila! At kapag nagsama na tayo ay hindi na tayo babalik sa lugar na ’to!’’ Halata na tutol si Mhae sa paghihiwalay ng magulang niya at hindi niya matanggap iyon.

Hindi ko na sinagot si Mhae, binuksan ko ang bintana at bumili ng basahan sa bata. Nakita ko sa mga mata ng bata ang lungkot nang titigan niya ang aking uniporme. Para bang pangarap din niyang makapag-aral para matakasan ang kahirapan. Samantalang ako eto at nag-aaral pero handang talikuran iyon dahil sa kapusukan.

‘‘Handa ba talaga ’ko?’’ Nagulat si Mhae sa sinabi ko, di ko sinasadyang nabanggit ang laman ng utak ko.

"Nagbibiro ka ba? Sobrang traffic na nga nagagawa mo pang mang-asar!’’

Puwede ko pa palang bawiin ang sinabi ko, akala niya ay nagbibiro lang ako pero kung ipagpapatuloy ko ’to ay puwede ring masira hindi lang ang kinabukasan ko kundi pati na rin ang kay Mhae at mahal ko siya at ayaw kong mangyari ’yun, maaring mahal namin ang isa’t isa ngayon pero mahalin niya pa kaya ako bukas kung wala na akong maipakain sa kanya? Napag-isip-isip ko, hindi pa kami puwedeng magsama at kung magkaanak kami, mapakain at mapag-aral kaya namin o magdadagdag lang kami ng mga batang palaboy sa kalye. Hindi biro ang gagawin namin ni Mhae.

‘‘Hindi ako nagbibiro Mhae! Hindi ko pa kaya. Sa totoo lang ’di pa natin kayang mag-isa!’’ Sa pagkabigla ko, sinampal ako ni Mhae.

‘‘Naduduwag ka lang!’’ Bumaba siya ng kotse. Ibinagsak ang pinto. Sa hindi kalayuan ay sumakay ng taxi.

Kinabukasan ay nagulat ako nang tumawag siya sa bahay. Hindi niya ako sinumbatan o inaway. Humingi siya ng tawad at nagpasalamat dahil kung natuloy daw kaming nagtanan ng gabing iyon ay hindi niya maaabutan ang kanyang magulang na umuwi galing States na masaya at hindi na itutuloy ang planong magdiborsiyo.

AKO

ALAM

BUMABA

COASTAL ROAD

DATI

LANG

MHAE

NAKITA

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with