^

PSN Opinyon

Overcharging? Pobreng Meralco

- Al G. Pedroche -
ELECTRIC consumer din ako na dapat matuwa sa atas ng Korte na mag-refund ang Meralco dahil sa multi-bilyong pisong "overcharging" sa subscribers. Pero tingnan muna natin ang epekto nito. Makabubuti ba o makasasama?

Kung may dapat sisihin sa "overcharging", ito ay ang gobyerno. Ang Energy Regulatory Board (ngayo’y Energy Regulatory Commission) ng pamahalaan ang nag-aaproba sa power rate. At komo ang singil ng Meralco ay aprobado ng ERB, ito’y legal saan mang anggulo silipin.

Pinag-uusapan pa kung paano ang gagawing pagsasauli ng Meralco ng sinasabing "sobrang singil" ngunit maraming mamamayan ang natutuwa na. Pero kung ito’y ikababagsak ng kompanya at magreresulta sa pagkaputol ng serbisyo, di ba taumbayan ang magdurusa?

Under question
ang pagtrato ng Meralco sa income tax bilang operating expense na ubrang bawiin sa consumers. Pero ito’y isang standard formula ng mga public utilities na ipinatupad nang ayon sa batas. Sa ibang mga desisyon ng ERB na nagdaan din sa Korte Suprema, ang income tax ay trinatong operating expense. Anim na iba pang power utilities ang binigyan ng tax recovery mechanism tulad ng Cotabato Light at San Fernando Electric. Ang pagtrato sa income tax bilang operating expense ay ginagamit din ng NAPOCOR at iba pang power firms sa Asia-Pacific region na pawang umuutang sa Asian Development Bank at World Bank.

Di kaya ginigipit ng gobyerno ang Meralco para muling makamkam ang kompanya? Kung mangyayari ito, iigi ba ang serbisyo? Bababa ang halaga ng kuryento o ito’y magiging bagong gatasan ng mga hunghang sa pamahalaan? Baka mula sa pagkakasalang sa kawali, tayo’y lumulundag na sa apoy!

ASIAN DEVELOPMENT BANK

COTABATO LIGHT

ENERGY REGULATORY BOARD

ENERGY REGULATORY COMMISSION

KORTE SUPREMA

MERALCO

PERO

SAN FERNANDO ELECTRIC

WORLD BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with