^

PSN Opinyon

Basura sa karagatan

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ANG karagatan ng Pilipinas ay hindi ligtas sa pollution dulot ng mga basurang itinatapon ng tao. Maraming yamang-dagat, kabilang na ang mga isda at corrals, ang napipinsala ng mga duming itinatapon sa dagat.

Kinondena ang pagmamalabis at pagtampalasan sa mga yamang-dagat sa 16th International Coastal Clean-up na ginanap kamakailan sa Balayan Bay, Anilao, Batangas.

Nakakahiyang isipin na sobrang salaula ang mga tao at maging ang dagat ay hindi pinatawad. Saku-sakong basura ang nakuha ng mga divers gaya ng mga plastic, bote, napkins, balot ng chippies, tsinelas, gulong ng sasakyan at marami pang ibang klaseng basura na nakalalason sa mga yamang-dagat. Hindi maitatanggi na marami ang nakikinabang at kumikita ng ikabubuhay sa karagatan.

Talagang disiplina ang kailangan para mapanatiling malinis ang karagatan. Sa mga salaula at walang pagpapahalaga sa kalikasan ang dapat sa kanila ay ipakain sa pating. Sana’y matuto ang mga tao na protektahan ang kapaligiran. Turuan ang mga bata na huwag magtapon ng basura.

BALAYAN BAY

BATANGAS

INTERNATIONAL COASTAL CLEAN

KINONDENA

MARAMING

NAKAKAHIYANG

PILIPINAS

SAKU

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with