Ayon sa aking bubuwit, 36 days na lang at Pasko na naman.
Happy birthday muna kay Bro. Jojo Elleazar, Mirriam Cornelio, Sidney Cabuyadao, Leonila Bagarino, Analiza Cruz, Col. Rudy Magtibay at Charlie Lagasca ng Philippine Star.
Ayon sa aking bubuwit, doble malas ang inabot ng mga talent ng dating telenobela sapagkat biglang itinigil ang nasabing show.
Una, itinigil habang ito ay nasa kainitan pa sa telebisyon at pangalawa, hindi pa sila binabayaran.
Ayon sa aking bubuwit, malaki-laki pa rin ang hindi nababayarang talent fee sa kanilang mga artista.
Aba, 14 na episodes pala ang hindi pa binabayaran ng management ng ABS-CBN. Ibig sabihin niyan ay malaki pa ang dapat nilang kolektahin.
Imposible sapagkat ito ang dating pinaka-sikat at may pinakamataas na rating sa early evening TV show. Nakikita ito sa dami ng kanilang mga advertisement.
Ang malungkot pa rito, tuwing kukunin ng mga talent ang kanilang bayad, sila ay pinaiikot at sinabing bumalik na lang kinabukasan. Kapag bumalik na sila kinabukasan wala namang maibigay.
In short, napako ang pangakong talent fee ng mga artista.
Biro niyo nga naman, pinagpaguran nila pagkatapos ay hindi babayaran.
Ang ilan sa mga umaangal na artistang hindi pa binabayaran ng Dos ay walang iba kundi sina Eula Valdez, Jericho Rosales at Christine Hermosa.