^

PSN Opinyon

Pandak kasi

BAGONG SIBOL - BAGONG SIBOL ni Jeddah C. Javier -
‘‘SORRY Miss, we can’t hire you’’, naiiling na sabi ng manedyer. Hawak niya ang aking resume.

Nabigla ako. Hindi iyon ang aking inaasahan. Ngunit hindi ako nagpahalata. Umayos ako sa pagkakaupo at magalang na nagtanong, ‘‘Pero, bakit po?’’ Gusto ko pa sanang idagdag, ‘‘College level naman ako ah. Sa qualifications ninyo, high school graduate, puwede na.’’ Pero, sinarili ko na lamang ang mga iyon.

‘‘I can’t say anything about your educational attainment and besides, you have an impressive working experience. But the problem is your height.’’


Napa-aray ako ng lihim. Kaysakit palang tanggapin ng katotohanan. Problema ang height ko. Ang ipinagtataka ko, hindi naman hinihingi sa kanilang mga kuwalipikasyon ang magandang tindig. Natatandaan ko pa ang naka-ads. Wanted: Service Crew. Qualifications: male/female, 18-24 years old, at least high school graduate, responsible, smart, friendly and honest. Nang kumuha ako ng eksamen, hindi naman nila tinapunan ng tingin ang aking height. Wala naman silang nabanggit na hindi puwedeng kumuha ng eksamen ang wala pang 5’2". Sa una kong interbyu wala ring binanggit ang manedyer tungkol sa aking height.

Mukhang naaaliw pa nga ito sa suot kong off shoulder at tinanong kung magkano at saan ko ito binili. Umayon pa nga ito sa aking sinabi na walang mahirap na trabaho kung ito’y iyong isasapuso’t isip at gagawin ng maayos at organisado. Kung sabagay, iba ang kaharap ko ngayon sa nauna. Pero, kahit na. Di sana’y noong una pa lang ay sinabi na nila na hindi ako puwede. Noon pa sana nang ako’y nagpasa ng resume. Hindi ngayong nakagugol na ako ng pera’t panahon sa pagpapabalik-balik sa establisimiyentong iyon. Hindi na nasa ako nag-aksaya ng panahon sa pagkuha ng kanilang eksamen.

Ang aking kaharap ay nagpatuloy nang mapansing ako’y walang katinag-tinag sa pagkakatitig sa kanya. ‘‘Im so sorry to say that. Kung 5 feet ka man lang sana ay puwede na. Pero sa tingin ko, wala ka pa yatang 5 feet e.’’

Lalo akong pinamulahan sa pagkakarinig niyon. Tila pinagbibintangan pa yata akong sinungaling sapagkat ang aking inilagay sa bahagi ng personal na impormasyon sa aking resume ay 5 feet ang aking height. Awa ang nararamdaman ko para sa aking sarili. Kaakibat nito ang pagsisisi kung bakit pa ako napasok sa ganoong sitwasyon.

Hindi ko na ninais pang marinig ang kanyang mga sasabihin. Tama na ang panlalait at pagtapak sa aking pagkatao. Nagpaalam ako ng may paggalang.

Paglabas ko sa kuwartong iyon, isa lang ang aking nasambit, kay hirap ng pandak!

vuukle comment

AKING

AKO

HAWAK

KAAKIBAT

KAYSAKIT

MUKHANG

NABIGLA

PERO

SERVICE CREW

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with