^

PSN Opinyon

Pista ng Portugal

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
SA kasaysayan ng ating bansa ay malaki ang naging papel ng Portugal na bansa ni Ferdinand Magellan, ang nakadiskubre ng Pilipinas noong 1521. Bukod sa relihiyong Katoliko, maraming kultura ng mga Portuguese ang naging pamana sa ating lahi.

Kamakailan ay ginanap ang Portuguese Festival in Manila. Ang ambassador ng Portugal na si H.E. Ambassador Joao Caetano da Silva ang namuno sa festival na tumagal ng tatlong linggo. Sa Portuguese Evening na inilunsad ng Embaixada de Portugal, Manila at ng Rustan’s na ginanap sa Intercon ay itinampok ang mga natatanging pagkain gaya ng ‘‘baculau’’ at ‘‘cataplana’’ at expensive wine from Portugal.

Nagkaroon din ng Night of Traditional Music and Poetry na ginanap sa RCBC, Makati at sa unang pagkakataon ay nagkonsiyerto si Isabel Silvestre na tinaguriang ‘‘very prestigious singer ng traditional music.’’ Si Ambassador da Silva ang nag-poetry reading ng mga ‘‘poemas’’ nina Luis de Camoes, Sebastian Fernando Pessoa, Jose Regio, at iba pa.

Isa ako sa dumalo sa natatanging programa sa imbitasyon ng kaibigang Lolita Escobar Mirpuri, immediate past president ng All Nation’s Women’s Group, na katuwang ng Portuguese envoy at ng kanyang esposang si Madame Uriki da Silva sa pag-iistima sa mga panauhin.

Ilan sa mga personaheng dumalo sa Portuguese Festival ay sina Elsa Payumo, Baby Luat, Dr. Dana Mora, Joseph Bernabe, Marja-Miza E. Mirpuri, Jun at Boobee Escobar, Lally Tolentino, Arlene Jacobo, Chona Trinidad, Eduardo Fereira, Architect Monoy Fuentes, singer-composer Jose Mari Chan at TV film Director Willie Schneider.

ALL NATION

AMBASSADOR JOAO CAETANO

ARCHITECT MONOY FUENTES

ARLENE JACOBO

BABY LUAT

BOOBEE ESCOBAR

CHONA TRINIDAD

DIRECTOR WILLIE SCHNEIDER

DR. DANA MORA

PORTUGUESE FESTIVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with