^

PSN Opinyon

Itala sa kasaysayan

LISTO LANG - LISTO LANG ni Joel Palacios -
MAY rekord na naman ang Marikina. Kasalukuyang nasa siyudad nito ang naitalang pinakamalaking sapatos sa buong mundo. Pigil-hininga namang inaantabayanan ng mga residente ng naturang siyudad ang pinal na desisyon ng mga hurado kung ito ay hihirangin at isasama sa listahan ng Guinness Book of World Records.  

Ang sapatos ay nagsisilbing testamento at pagkilala sa husay at galing ng mga sapatero ng Marikina na matagal nang binabalewala ng lipunan. Ang mga sapatero ang dapat parangalan. Hindi na ito dapat pang sakayan ng mga pulitiko. 

Posibleng may mga hakbang na rin ang ibang bansa upang talbugan ang rekord ng Marikina. Hindi naman patatalo ang mga lokal na sapatero. Sabi nga nila, "Pinakamalaki pa rin ang amin." 

Hindi laki ang sukatan ng galing ng isang produkto kundi kalidad. Bagama’t nakatataba ng puso ang parangal ng Guinness hindi permanente ang hawak nating rekord. Maaari rin itong mabura. 

Hindi ang papuri ng Guinness ang mahalaga sa puso ng mga Pilipino. Sa ating mga mata, hindi ang Guinness rekord ang siyang naghatid ng karangalan. Kundi ang pawis at dugong pinuhunan ng mga sapatero ng Marikina ang dapat na itala sa pahina ng kasaysayan.

BAGAMA

GUINNESS BOOK OF WORLD RECORDS

KASALUKUYANG

KUNDI

MAAARI

PIGIL

PILIPINO

PINAKAMALAKI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with