^

PSN Opinyon

Empleyadong drayber

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
ANG mag-asawang Lanie at Leo ay operator ng mga pampasaherong jeepney. Nagtatrabaho sa kanila bilang drayber si Andres simula pa noong 1987. Minamaneho niya ang jeepney ng kalahating araw ng Martes, Huwebes at Sabado. Kumikita si Andres ng P800 hanggang P1,000 kung tuluy-tuloy at P500 naman kapag kalahating araw.

Noong 1994, nang mawala ang driver’s license ni Andres, nag-vacation leave muna siya. Nang bumalik siya sa trabaho makalipas ang tatlong buwan hawak ang kanyang bagong lisensiya, inabisuhan siya ng mag-asawa na napalitan na siya ng bagong drayber. Nagpunta si Andres sa Department of Labor and Employment (DOLE) at nagsampa ng kasong illegal dismissal, hiniling na bayaran siya ng backwages, 13th month pay service incentives, leave credits at reinstatement.

Sinalungat ito ng mag-asawa. Wala raw employer-employee relationship sa kanila ni Andres dahil hindi siya regular na empleyado kung saan wala silang kontrol sa kalahating araw na pagmamaneho ni Andres. At ikalawa, inabandon daw ni Andres ang kanyang trabaho nang hindi na ito pumasok ng tatlong buwan. Kaya, nararapat daw na legal na idismis si Andres. Tama ba ang mag-asawa?

Mali.
Si Andres ay isang regular na empleado. Una, hindi maitatanggi nina Leo at Lanie na wala silang kontrol sa kalahating araw na pagmamaneho ni Andres, kung saan mula pa ng 1987 at sa mahabang panahon ay pinayagan na nila ang ganitong sistema. Kaya hindi maaaring tanggalin si Andres ng ilegal.

Ikalawa, hindi inabandon ni Andres ang kanyang trabaho. Kinakailangang may malinaw na intensiyon na putulin ang employer-employee relationship para masabing inabandon ni Andres ang kanyang trabaho. Ang pagbalik ni Andres sa trabaho matapos ang kanyang vacation leave at nang hindi na siya payagang magmaneho muli kung saan madali siyang nagreklamo sa DOLE ng illegal dismissal ay isang malinaw na wala siyang intensiyon na abandonin ang kanyang trabaho.

At kahit na mapatunayang inabandon nga ni Andres ang kanyang trabaho, kailangang sulatan siya sa kanyang address at ipagbigay-alam na inabandon niya ang kanyang trabaho kung saan kailangan siyang idismis; at ikalawang abiso kung saan nagdesisyon na ang employer na idismis siya. Subalit hindi ito nagawa nina Leo at Lanie. Kaya ang pagtanggal kay Andres sa trabaho ay ilegal.

Hindi babayaran ng backwages si Andres. Hindi puwedeng maging basehan lamang ang salaysay ni Andres na kumikita siya ng P800 hanggang P1,000 kung tuluy-tuloy at P500 kapag kalahating araw (Icawat vs. NLRC et. al. G.R. 133573 June 20, 2000).

vuukle comment

ANDRES

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

KANYANG

KAYA

KUNG

LANIE

SI ANDRES

SIYA

TRABAHO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with