Editoryal - Pagkatapos ng trahedya...
November 14, 2002 | 12:00am
KAPAG may nangyaring trahedya sa bansang ito, saka nagsusulputan ang mga magagaling na mambabatas at inilalabas ang magaling at makabuluhan nilang ideya. Mayroon naman ng turo nang turo at naninisi. Hindi raw dapat nangyari ang trahedya kung sumunod sa patakaran at ang mga may-ari ng sasakyang sangkot sa trahedya. Sa bansang ito ay maraming matatalino kapag marami nang namatay o nasugatan.
Ang pagbagsak ng Flight 585 ng Laoag International Airline sa Manila Bay noong Lunes ng umaga ay naging ugat na naman ng pagsisisihan at pagtuturuan. Naghahanap na naman ng butas ang ilan. Pumasok na ang Kongreso sa kaso ng LIA. Namimintong makansela ang prankisa ng LIA sa kanilang domestic at international air transportation. Posible umanong nilabag ng LIA ang kanilang mga isinumiteng dokumento sa Kongreso. Pumasok ang Senado at nabulatlat na nakapag-operate ang LIA gayong wala pala itong congressional franchise.
Habang pumapasok na ang Kongreso at Senado, tila ang may-ari ng LIA ay inililihis sa iba ang nangyaring trahedya at sinabing sabotahe ang dahilan ng pagbagsak. Sinabi ni LIA owner at pilot Paul Ng na hinaluan ng kanilang mga karibal sa negosyo ang langis ng makina ng Fokker 27. Aniya, ang eroplano ay 15 hanggang 19 na taong gulang lamang at nasa magandang kondisyon.
Labinsiyam ang namatay sa nangyaring trahedya na naganap dakong alas-sais ng umaga. Ilang minuto pa lamang ang nakalilipas mula nang mag-takeoff ang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport ay bumulusok na ito sa Manila Bay. Karamihan sa mga namatay ay turista.
Patuloy ang paghahanap ng dahilan sa pagbagsak ng Fokker 27. Habang nagsisisihan, halos madurog naman ang puso ng mga kaanak ng biktima dahil sa masaklap na trahedya na biglang dumating sa kanilang buhay. Marami ang naputol at nasayang na pangarap. Maraming buhay ang nawala.
Kapabayaan, sabotahe o kalumaan man ang dahilan ng pagbagsak ng Fokker 27, nangyari na ang trahedya. Wala nang magagawa at hindi na maibabalik ang nasayang na buhay. Iisa ang aral na dapat mapulot sa pangyayari, hindi na dapat hayaan ng mga air transport official na makalipad at makaalis ang mga eroplanong tulad ng Fokker 27. Imbestigahan munang mabuti kung tumutupad ba ang mga ito sa air safety regulations.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended