Umapaw na lawa
November 7, 2002 | 12:00am
MAGKALAPIT ang mga lupaing pang-agrikultura ng MMR Corporation na may 15 ektarya at kay Crispulo na may 18 ektarya. Ang lupain ng MMR ay mas mataas ng 1-1/2 metro at iniukol ang 1.8 ektarya nito sa negosyo ng babuyan. Gumawa ng sariling lawa ang MMR kung saan padadaluyin ang dumi ng mga alagang hayop. Ang lupain naman ni Crispulo ay tinaniman ng mga puno ng prutas at gulay.
Noong Hulyo 1984, panahon ng tag-ulan, napansin ni Crispulo na umapaw ang tubig sa lawa at binaha ang isang ektarya ng kanyang lupain. Namatay ang mga puno. Hindi pinakinggan ng MMR ang kanyang reklamo kaya nagsadya siya sa Korte para sa bayad pinsala at para itigil ng MMR ang pag-apaw ng lawa. Nagkaroon ng ocular inspection ang Korte at napatunayan na umapaw ang tubig sa lawa at binaha ang isang ektarya ng lupain ni Crispulo ng lampas sa talampakan at pinuksa ang isang puno ng langka, 15 puno ng niyog, 122 puno ng kape at hindi mabilang na puno ng mangga, saging at mga gulay. Nagpabaya raw ang MMR dahil hindi sapat ang lawak ng lawa para sa 11,000 na alagang hayop nito. Iniutos ng Korte na bayaran ng MMR si Crispulo ng P187,000 para sa nawalang kita sa 3 crop years at P30,000 na attorneys fees. Inaprubahan ng CA ang desisyon na ito ng mababang hukuman.
Sinalungat ito ng MMR. Ang pinsala raw ay dahil sa malalakas na pag-ulan at bilang mas mataas na estado, may tungkulin daw ang mababang estado ni Crispulo na tanggapin ang tubig na umaagos mula rito. Tama ba ang MMR?
Mali. Kahit na nakadagdag ang malalakas na ulan sa pinsala, ang kapabayaan pa rin ng MMR ang tanging dahilan kaya umapaw at bumaha ng dumi at tubig sa lupain ni Crispulo.
Ayon sa Artikulo 637 ng Kodigo Sibil, may tungkulin ang mababang estado na tanggapin ang umaagos na tubig sampu ng lupa o bato, na walang pakikialam ang tao, na nagmumula sa mataas na estado. Taliwas ito sa kaso nina Crispulo at MMR. Ang umapaw na tubig at dumi ay nagmula sa lawa na gawa lamang ng tao. Kaya may pananagutan ang MMR sa pinsalang naidulot nito kay Crispulo (Roman Enterprises Inc. vs. Court of Appeals et. al. G.R. No. 125018 April 6, 2000).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended