Mga lalaking takot sa asawa
November 7, 2002 | 12:00am
MARAMING lalaki sa ngayon ang ander ng kanilang asawa. Iilang beses na silang nabubuko dahil sa pagtatayo ng samahan. Gusto kasi nilang magkaroon ng matigas na lider.
Minsan patago silang nag-meeting at sinubukang maghalal ng lider. Habang ginagawa nila ang meeting, lumitaw ang kani-kanilang mga asawa na may hawak na pamalo. Pinaghahampas sila. Nagtakbuhan ang iba pa. Parang mga dagang walang masulingan dahil sa takot.
Balitang-balita ang nangyaring iyon sa nayon. Ang mga ander ay walang magawa kundi ang magngitngit. Hindi naman sila makapalag sa kanilang mga asawa. Kung mayroon silang lider tiyak na magkakaroon sila ng lakas ng loob para lumaban.
Isang araw, pumutok ang balita sa nayon na isa na namang mister ang binugbog ng kanyang asawa dahil nabasa ng ulan ang damit sa sampayan.
Sa tindahan ay galit na galit ang isang lalaki.
"Hindi mangyayari sa akin ang ganoon!" Ibinagsak ang kamay sa pasamano ng tindahan. Seryoso ang lalaki sa pagsasalita. "Hindi kahit kailan!"
Hindi namalayan ng lalaki na sumulpot sa kanyang likuran ang asawa. "Hindi mangyayari ang alin?" sigaw ng asawa.
Di-nakaimik ang lalaki sa pagkagulat.
"Sumagot ka!"
"Dear, ibig kong sabihin, hindi mangyayari na mabasa ang damit sa sampayan dahil isisilong ko ito bago pa man bumagsak ang ulan."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest